KAHIT GAANO KO KABAIT, NAKAKANGITNGIT! NAKAKAGALIT! TUWING KAHARAP KO NA SA SALA NG FISCAL TUWING HEARING ANG MGA WALANGHIYANG CARNAPERS NA NAGNAKAW NG KOTSE KO. PAKIRAMDAM KO, NAGIGING WALANGHIYA AT MASAMANG TAO RIN AKO. PAANO KO NGINGITIAN ANG MGA KRIMINAL NA DAHILAN KUNG BAKIT NAGHIHIRAP ANG LOOB KO MAHIGIT APAT NA BUWAN NA NGAYON? PAANO KO KAAAWAAN ANG ISANG INANG NAKIKIUSAP NA PAWALANG-SALA KO ANG KANYANG ANAK NA TUNAY NAMANG MAGNANAKAW AT MASAMANG TAO? PAANO PA KO MAGTITIWALA SA MGA ANTI-CARNAP POLICE NG CAMP CARINGAL, KUNG HARAP-HARAPAN NANG MAY LEAD PARA MATUNTON KUNG NASAAN ANG KOTSE PERO BINABALEWALA LANG NILA AT NI HINDI NILA PINUPUNTAHAN?
WALA NA KO TALAGANG PUWEDENG GAWIN KUNDI UMASA SA PANGAKO NG DIYOS NA HINDING-HINDI NIYA KO PABABAYAAN, HABANG NAGHIHINTAY AKO NG RESULTANG SUNTOK SA BUWAN AT MAS MALABO PA SA TUBIG-KANAL, SA PILING NG MGA MASASAMANG-LOOB; SA PILING NG MGA TAONG ISINILANG PARA MAGING SINUNGALING AT GAWING TAMA ANG MALI PARA MAIDEPENSA ANG MGA UMAMING KRIMINAL; AT SA PILING NG MGA TIWALING ALAGAD NG BATAS NA NABUBUHAY SA MGA PAKAWALA NILANG KRIMINAL AT ANG IPINALALAMON NILA SA KANILANG PAMILYA'Y GALING SA KURAPSIYON NA LALONG NAGDIDIIN NA MAGING MISERABLE ANG MGA BIKTIMA, SA HALIP NA SANA'Y DINADAMAYAN TALAGA NILA DAHIL YUN ANG SIMUMPAAN NILANG TUNGKLULIN.....
ika-fourth hearing ng carnap case ko kanina, january 7, 2014, sa quezon city hall, sa opisina ni fiscal carmen lindayag-del rosario. nagsimula ang first hearing a day after my birthday, october 29, 2013; nasundan ng november 12, 2013 at november 26, 2013; at sa january 28, 2014 na naman ang susunod.
sa mga hindi nakakaalam sa nangyari, september 11, 2013 pa na-carnap; september 26, nahuli ang prime suspect na si KRISTOFFER BRANDON DELA CRUZ BALLANO sa sarili niyang tahanan at umamin agad na siya ang kumuha ng kotse kahit ako pa lang ang nagsasalita, kaharap ang ama't ina niya; ako pa nga ang gumawa ng paraan para mahuli siya at hindi ang mga pulis. maghapon naming kasama ng mga pulis ang umaming kawatan na si at pinuntahan namin isa-isa ang apat pang kasamang pinagtuturo niya, pero wala kaming nagtagpuan at mga nagsipagtago na. buong araw hanggang gabi, kung anu-anong pinaggagawa ng mga pulis sa suspect sa presinto na laharap ako, habang nakaposas; pina-medical pa namin sa qc medical center...pero at 10pm that day, pinakawalan at pinauwi din nang ganun-ganun lang ang umaming carnapper na nahuli at pinosasan. hindi siya ikinulong ng mga pulis camp carinngal anti-carnap division, dahil nag-lapse na raw ang 48 hours at hindi naman na-recover ang car within that period; kaya nauwi ako na idemanda si ballano at ang mga kasama niya. october 9, 2013, nakipag-settle sa akin ang mga magulang ni ballano. ayaw daw nilang makulong ang anak nila. pinagbigyan ko sila at nakinig ako sa damdamin nila bilang magulang. pero hanggang ngayon, nakaapat na hearing na nga kami at 2014 na, walang katuparan ang ipinakiusap nilang settlement sa akin. and until now din, wala namang nari-recover na car. sa tutuo lang, hindi na ko umaasang mari-rercover pa. gusto ko na lang silang makulong. hindi lang para sa akin, kundi para sa lahat nang dumaranas at nagiging biktima ng ganitong krimen na napapunta sa kamay ng maling batas at mga tiwaling pulis ng bansa. pero patuloy na ini-extend ng fiscal ang mga pakiusap ng pamilya ballano na may inaanatay lang daw na pera para mag-settle, habang hindi napagbibigyan ng fiscal ang hiling kong isampa na sa higher court ang kaso.
sa period na yan, tinulungan rin ako agad ng mga kaibigan sa media na sina Dela Cruz Arlyn at jake maderazo sa radyo inquirer; raffy tulfo at Niña Taduran ng wanted sa radyo at julius babao ng bistado, para kalampagin ang mga kinauukulan. sa ere, maayos naman ang sinasabi ng hepe ng anti-carnap ng camp caringal, kaya naniwala akong kakampi ko sila at kumikilos talaga silang ma-recover ang kotse ko.
last november 26, 2013, after ng third hearing namin, napatunayan kong hindi sila talaga kumikilos at gusto ko nang maniwalang tao at mga pakawala rin ng mga taga-anto-carnap ng camp caringal ang mga carnapper. kase dumating sa hearing yung isa sa apat na nakahablang carnapper na si "denmark silva". gusto raw niyang linisin ang pangalan niya at ituturo niya si "rico", ang pinagdalhan niya ng kotse. tinawagan ko agad ang mga taga-camp caringal that moment, sinabi ko ang nangyayari sa hearing at ibinigay ko ang address ni "denmark silva". sabi pupuntahan raw nila. pero sabi ni denmark silva, naghihintay lang daw siya, wala namang dumarating na mga taga-camp caringal sa kanila para samahan siya. lead na yun, at ituturo na nga, bakit hindi nila puntahan? nagbu-volunteer na yung tao na sasamahan sila kung saan dinala yung kotse, wala pa rin silang ginagawa!
kanina, after november 26, 2013 hearing, january 7, 2014 na, muling humarap si demark silva kasama pa ang nanay niya at pinsan. nakikiusap sa akin yung nanay na ilabas ko na ang anak niya sa kaso, at ituturo na lang niya ang taong pinagdalhan ng kotse. 2pm yan kanina, at habang nangyayari yan, tinatawagan at tinext ko uli ang mga caringal pulis, ni hindi na sila sumasagot na para nga, kanina sana, with denmark silva, from hearing ay mapuntahan na namin ang taong pinagdalhan nga ng kotse. pero wala....never nag-respond ang caringal police hanggang sa mga sandaling ito na isinusulat ko ito.
sobrang nakakagigil, sobrang nakakagalit.
kahit gaano ako kabait, kahit gaano ang dasal kong maging mabuti, kahit gaano ko kinu-composed ang sarili kong maging cool lang, tuwing humaharap ako sa opisina ng fiscal, pakiramdam ko ay nagiging salbahe at walanghiya akong tao. napakapangit kase ng sitwasyon: paano ko magpakabait at paano ko ngingitian ang mga kriminal na gumawa ng kawalanghiyaan sa akin? paano ko haharapin ng maayos ang mga taong nagnakaw ng kotse ko na nagpapahirap ng loob ko ilang buwan na ngayon? gayung sila'y masasayang nasa laya at patuloy na nangangarnap, pero okey lang talaga sa ating batas. paano ko kaaawaan ang isang inang nakikiusap na pawalang-sala ang kanyang anak na tunay namang nuno ng kawalanghiyaan?!
yung mga taga-camp caringal na hindi sila ikunulong, sinasabihan ko nang may magtuturo na ng taong pinagdalhan para makita na ang kotse kung buo pa ba o kinatay na, pero wala silang ginagawa hanggang ngayon. kahit ang fiscal, hindi mo rin maunawaan kung kanino kumakampi na lagi lang sinasabi sa akin, "ganyan talaga ang batas. matagal. at least, in good faith, sumisipot ang mga carnappers".
ano yun? sapat na bang mga salita yun mula sa isang fiscal, para maglubag ang loob ko? hindi ko talaga alam. kase first time nangyari sa akin ito. hindi ko na talaga alam ang mararamdaman ko, at kung sino ang paniniwalaan ko?
wala na ko talagang ibang puwedeng gawin kundi magdasal at patuloy na kumapit sa mga pangako ng DIYOS na hinding-hindi NIYA ko iiwan at hinding-hindi NIYA ko pababayaan.
...habang patuloy akong naghihintay ng resultang suntok sa buwan at malabo pa sa tubig-kanal, sa piling ng mga taong nabubuhay sa pagnanakaw; at mga taong isinilang para maging sinungaling at idepensa ang mga kriminal; at mga tiwaling pulis na nagpapasasa sa mga lagay-lagay at ang ipinalalamon sa kanilang mga pamilya ay galing sa kurapsiyon.