From the Desk of Ronald Carballo
AS OF TODAY, PUMIRMA AT NAG-RENEW NA SIYA ULI NG KONTRATA SA ABS-CBN 2 FOR THE NEXT TWO YEARS...
hindi nga tsismis yung offer kay kris aquino na lumipat ng GMA 7, thru manny v. pangilinan ng channel 5, dahil nabili na raw nito ang GMA 7. ang offer nang nagsanib-pwersang pangilinan at gozun, ay hindi lang para maging TV host-actress si kris sa bagong GMA 7, kundi siya ang magiging "ma'am charo santos" ng mortal na kalabang estasyon ng ABS-CBN 2.
natigatig daw si kris at nanginig sa offer, dahil bukod sa talbog nito ang figures/amount ng in-offer ng channel 5 noon kay sharon cuneta, pangarap talaga ni kris ang magkaposisyong magpatakbo ng network.
hindi ko malilimutan ang isa sa mga interview kay kris few months back. nung tanungin siya kung may ambisyon ba siyang tumakbo sa pulitika, ito ang sagot niya: "wala. ang pangarap ko lang ay maging mala-ma'am charo".
umabot sa puntong kahit nasa christmas vacation daw si kris sa london with her two sons ay nakikipag-video conference siya kina manny pangilinan, at nakatakda na talagang pumirma sana si kris para tanggapin ang alok at tuluyan nang iwan ang ABS-CBN 2, pagbalik ng pilipinas.
ngunit, as of today....nagbago ang takbo ng mga kuwento. nasalag ng ABS-CBN 2 ang alok ng kabila, tinapatan at hinigitan pa raw ito ng bonggang-bonnga. nasa pinas na nga si kris at biglang-bigla, pumirma at nag-renew siya ng contract sa ABS-CBN 2 for the next two years, matapos na ilang buwan niyang hindi pinipirmahan ang contract renewal of the same rate.
siyempre, disappointed si manny pangilinan sa biglang naging desisyon ni kris, matapos nilang mag-usap-usap nang masinsinan for the past months. umingay kase nang husto ang balak ni kris na paglipat, kaya ginawa lang ng ABS-CBN 2 ang nararapat para mapigilan ang kanilang priceless possession.
napigil si kris dahil sinabi ng ABS-CBN 2 na humiling siya't pagbibigyan siya ng network. bukod sa ipinakita ni kris yung amount offered from the new GMA 7, hiniling nga nitong gusto niyang gumawa uli ng isang primetime soap opera with john lloyd cruz & coco martin na may- december love affair ang tema na pag-aagawan siya ng dalawang younger men.
good decision, from kris. lalo pang bobongga ang career niya ngayong 2014 dahil nasa tama at number 1 network siyang tunay naman siyang pinangangalagaan all these years.
pero sana mag-host na lang si kris, kung saan, siya talaga ang pinakamahusay na TV host sa balat ng telebisyon. wag na lang siyang mag-teleserye o magpelikula, utang na loob!