MARIAN RIVERA is not bothered by hecklers who say she’s trying hard to look young in “Carmela” because she’s paired with Alden Richards. “Sinasabi nga raw, masyado akong nagpapabata, pero hindi ko kailangang gawin yun, kasi it’s in the script na mas bata talaga sa’kin si Yago, ang character ni Alden,” she says. “Kaya nga noong first time kaming mag-meet sa MRT, ayokong makipagkilala sa kanya at sinabi ko agad na mas matanda ako sa kanya.”
“Pero ang bata-bata tingnan ni Marian sa screen,” says their director, Dominic Zapata. “You’d never think mas matanda siya kay Alden. At may kilig ang chemistry nila. Maganda silang tingnan on screen.”
Dominic was also her director in her last soap, “Temptation of Wife”. “That was nine months ago pa,” says Marian. “Siya, nakagawa na ng ibang soap (My Husband’s Lover), ako, ngayon lang uli, kaya missed na missed ko na talaga ang acting.”
“Kung nanalo siyang best actress sa ‘Temptation’, hindi malayong manalo uli siya for this kasi mas even more challenging ang role niya as ‘Carmela’,” says Dominic. “Yung hecklers na nagsasabing ginaya ito sa Italian movie na ‘Malena’, mapapahiya sila kasi ang layo-layo ng story nito, which is an original by Suzette Doctolero. The story is a case of history repeating itself. Kung ano ang nangyari sa inang si Agot Isidro, mangyayari rin sa anak niyang si Marian. Ang kagandahan nila, parang naging isang sumpa sa kanila, a curse, not a blessing. Agot as Amanda is raped by Roi Vinzon, na asawa ni Laurice Guillen. Lumayas si Agot sa town nila and meets a deaf mute, si Ricky Davao, who marries her. Naging anak nila si Marian as Carmela. Pero ayaw tigilan ni Roi si Agot. Pinasagasaan nito sa tren ang binging si Ricky then kinuha si Agot at ikinulong. Nagpalaboy-laboy si Marian sa kalye at naampon siya ni Eva Darren who renamed her as Catarina. Dito siya nagdalaga at pareho sila ni Eva na maraming ampong mga bata. Then nakilala niya si Alden na kamag-anak pala ni Roi. Si Agot naman, pinapatay ni Roi kay Freddie Webb but she didn’t die at tinulungan siya ni Mike Lloren hanggang maging mamasan siya sa ibang bayan. Mao-obsessed naman kay Marian ang brother ni Laurice na si Raymond Bagatsing, whose girlfriend is Rochelle Pangilinan. Kung anong nangyari kina Roi at Agot, mauulit kina Raymond and Marian.”