COCO MARTIN has been proclaimed by ABS-CBN as their Teleserye King. How does he feel about this? “Nakakataba ng puso mabigyan ng ganyang bansag pero nakaka-pressure din,” he says at the presscon of “Ikaw Lamang”. “Malaking karangalan at very meaningful ito para sa akin. Ibig sabihin, nagbunga ang lahat ng sobrang pagod at hirap ko sa trabaho, lalo na ngayong five days a week na ang taping namin dahil sa bagong equipment na binili ng ABS na parang pelikula talaga ang kinukunan.”
How is it working with Kim Chiu as leading lady? “First time kami nagkasama sa ‘Tayong Dalawa’, na asungot lang ako, kontrabida. Second sa ‘Kung Tayo’y Magkakalayo’, magkapatid naman kami. Ngayon, matapos nang matagal na panahong hindi kami nagkasama, magkapareha na kami dito sa ‘Ikaw Lamang’. Nakita ko yung growth niya, yung pagma-mature niya bilang artista. Nang mapanood ko siya sa ‘Bride for Rent’, I congratulated her kasi sobrang galing na niya, so I’m excited to work with her now lao na nga't napakaganda ng project na ibinigay sa amin. Na-miss ko itong ganitong romance drama na parang ‘Walang Hanggan’, kasi my last show was a fantaserye, ‘Juan de la Cruz’. ‘Ikaw Lamang’ starts in the 1960s na mga batang paslit pa kami. I’m played by Zaijian Jaranilla at siya naman, si Alyanna Angeles. Magkababata kami rito, with me as Samuel at siya, si Isabelle. Kasama namin mula pagkabata sina Jake Cuenca and Julia Montes as Franco and Mona, played as kids by Luis Abuel and Xyriel Manabat. Kami ni Julia, mga anak ng mga pobreng sakada sa Negros. Sina Kim at Jake, mga anak ng mayayamang sugar planters. Ang mother ko, si Cherry Pie Picache, wala na kong ama, pero may lola’t lolo ako, sina Daria Ramirez at Spanky Manikan. Ang parents ni Kim, sina Angel Aquino at John Estrada. Si Cherie Gil naman ang mother ni Jake. Malaki ang casting dahil kasama rin namin sina Ronaldo Valdez, Tirso Cruz III, Meryll Soriano at Lester Llansang, directed by Malou Sevilla at Avel Sumpongco. Tatakbo ang love story namin ni Kim hanggang sa present time. Ginastusan talaga ang period production design ni Manny Morfe, with hair and make up by Ruben Nazareth and costumes by Eric Pineda.”