“Maganda ang roles ko in both projects,” she says. “Sa ‘Obsession’, I play Regina, mother ni Marvin Agustin na may itinatagong lihim. In ‘Sitio Camcam’, mother naman ako ni Allen Dizon na kinukusinti lahat ng ginagawa ng anak niya, kahit illegal. May tatlo siyang asawa rito, pero friends ko silang lahat at ako pa nagre-remind sa kanila na huwag silang mag-away-away.”
With regard to her personal life, she’s happy that her kids are now all college graduates with careers of their own. “I already have an apo doon sa anak kong si Genevieve kay Marc Roces,” she adds. “Pero siyempre, hindi ko basta matatalikuran ang showbiz kasi part na ito ng buhay ko. Hinahanap ko pa rin ang pag-arte sa harap ng camera.”
What’s the secret of the character she plays in “Obsession”? “As his mom, devoted sa’kin si Marvin dito kasi nakita ko ang paghihirap niya sa kamay ng sarili niyang ama. He’s a battered child dito. Sobrang sadista ang ama niya at halos mapatay siya sa bugbog kaya nang hindi na ako nakatiis, pinatay ko yung ama niya. Dahil dito, naging wanted ako sa batas kaya nagtatago ako at gusto niyang baguhin ang mukha ko. Pero inuna muna niya si Bianca King as Vanessa, ang babae kung kanino siya obsessed. Tutulungan ko si Bianca na makatakas sa mansion namin ng anak ko na obsessed sa kanya. Pero ako rin ang makikiusap na bumalik siya dahil pagbabantaan ni Marvin ang buhay ng ina niyang si Maureen Mauricio at ang boyfriend niyang si Martin Escudero.”