<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Feb 14, 2014

Review of 'Starting Over Again' by Ronald Carballo

"STARTING OVER AGAIN"---ISANG URI NG PELIKULANG MATALINO ANG PAGKASULAT, PAGKADIREK AT PAGKAGAWA SA KABUUAN NA HINDI NAGPAPAKALALIM, WITH GREAT PERFORMANCES OF THE LEAD ACTORS: PIOLO PASCUAL, TONI GONZAGA & IZA CALZADO. VERY NOW ANG KUWENTO NA FOR SURE, LAHAT NG TAONG MARUNONG MAGMAHAL AT MASAKTAN AY MAKAKA-RELATE; ISANG URI NG MAGANDANG PELIKULA, SA TUNAY NA PAMANTAYAN AT TUNAY NA KAHULUGAN NG MAGANDA AT MATINONG PELIKULA; PELIKULANG MAGANDA PA RIN DECADES FROM NOW, DAHIL HINDI ITO MAMIMILI NG PANAHON; CLASSIC; HIGH QUALITY COMMERCIAL FILM; VERY ENTERTAINING; DAPAT MAKA-GRANDSLAM...

Twice ko pinanood ang "starting over again" on it's opening day.

isang 2pm screening sa sm north the block na hindi gaanong puno at nung last full show at 940pm sa sm north main building cinema na super-punung-puno. nalaman ko sa takilyera na pag local film daw ay hindi talaga gaanong napupuno ang sm the block cinema, kase mas mahal ng 15 pesos ang bayad dito kumpara sa sm main building cinema.

para sa masang manonood na tagatangkilik ng pelikulang pilipino, malaking bagay nga naman ang 15 pesos. tutal pareho lang namang klase ng sinehan at panonoorin, lalakad ka lang ng kapiraso kung nasaan ka man sa sm north building. sa main building na kami nanonood ng last fullshow na 190 pesos lang kase sa sm annex kami nag-dinner, compared sa earlier viewing ko sa sm the block na 205 pesos.

hindi lang basta maganda ang "starting over again" nina piolo pascual, toni gonzaga at iza calzado, sobrang ganda nito on it's own merit. hindi mo ito basta-basta maikukumpara sa mga kasalukuyang uri ng mga walang saysay na indi film, pero nagwawagi sa mga wala ring kuwenta at hindi prestihiyosong international film festival. ang "starting over again" ay tipo ng pelikulang hindi man balaking ipadala sa mga international festivals, sa mga award giving bodies sa pilipinas, dapat mag-grandslam ang ganda ng pelikula, lalo na ang mga mahuhusay na performances ng tatlong bida; ang screenplay at ang direksiyon ni olivia lamasan.

iba ang genre ng pelikula; very now at makaka-relate lahat ng taong marunong magmahal, nagsakripisyo, nasaktan at muling lumigaya. after a long time, nakapanood ako uli ng pelikulang mahusay ang napakalinaw na pagkakalahad ng kuwento; hindi binubuo ang mga flashback, na lagi kong pinupunto na sakit ng mga bobo at mga baguhang screenwriters na hindi alam ang pagbuo ng tamang structure ng screenplay; dalawang oras ang pelikula, pero bulto-bulto ang flashback na nakakabagot, dahilan para bumitaw ka sa interes mo sa kuwento, as a viewer.

ang "starting over again", walang pretensiyon; naglahad lang ng katotohanan ng buhay na siguradong mkaaka-relate ang bawat manonood.

hindi ko na ikukuwento kung tungkol saan ang pelikula, pero tiyak kong hindi ninyo mahuhulaan kung anong kapupuntahan nito sa ending, kaya masarap panoorin: tatawa, iiyak, at matututo ka. makikita mo ang iyong sarili; babalik lahat ang iyong nakaraan at lalong gaganda ang tingin mo sa iyong kasalukuyan at patuloy mong tatanawin ang marami pang makabuluhang bukas, kasama ang isang tunay na pag-ibig.

walang duda, napakahusay talagang aktor ni piolo pascual. kung nawala man ng kaunti ang kanyang dating ningning bilang bituin, nagbalik lahat dito. hindi lang ang kaguwapuhan at ka-macho-han, kundi ang dekalidad na napaka-sinserong pagganap. gustung-gusto ko siya sa lahat ng mga eksena niya, lalo na sa confrontation nila ni toni at nung kinakausap na niya ito sa final scene nila;
si toni, all throughout, walang tatalo. ke comedy, drama, pa-sexy, lahat. very versatile actress. wala akong ibang aktres na maisip na makakayang gawin ng ganung kahusay ang lahat nang ginawa niya sa pelikula. walang maitatapon sa lahat-lahat ng eksena niya from start to finished.

si iza calzado naman, ganundin. ubod ng husay sa mas maliit na papel kumpara sa papel nina piolo at toni. pero ang lakas ng presence niya. ang lakas ng impact as an actresss. kung hindi ko nalimutan si iza sa kapirasong papel niya noon sa "milan", na isang olivia lamasan film din with piolo rin at ang namayapang (career ni) claudine barretto, mas hinding-hindi ko na siya malilimutan dito. lalo na sa kakaibang confrontation nila ni toni. grabe si iza. timpladung-timplado ang akting na walang ka-OA-yan. ang husay! habang equally ay mahusay din si toni na hindi sila nagsapawan.

hindi predictable ang ending ng pelikula. sigurado akong mali ang hula mo sa mangyayari, lalo't kung ibabase mo lang sa trailer sa TV. dapat wag kang manalig sa iyong mga mali-maling haka-haka. panoorin mo at nang makita mo para sa iyong sarili. tiyak kong lalabas ka ng sinehang nakangiti, masaya, maluwag ang dibdib at natulungan ngang magdesisyon, kung nasa pareho ka mang sitwasyon sa kasalukuyan.

ang "starting over again" nga'y isang uri ng tunay na magandang pelikula sa tunay na pamantayan at tunay ibig sabihin ng isang maganda't matinong peilkula ng kahit anong panahon. a little more than two hours ang haba ng pelikula, pero hindi mo mamamalayan, dahil very tight ang editing. walang excess at wala ka ring maitatapon na mga eksena.

tunay na pelikulang masarap panoorin, very entertaining. matalino ang pagkasulat, pagkadirek at pagkagawa sa kabuuan na hindi kailangang magpakalalim....

POST