Feb 14, 2014

Ronald Carballo Reviews New 15-minute Talk Show of Boy Abunda & Kris Aquino

NA-CURIOUS AKO. INABANGAN KO ANG "ABUNDA & AQUINO TONIGHT". KUNG ANO ANG BAGONG PUWEDENG I-OFFER NINA BOY ABUNDA AT KRIS AQUINO IN 15 MINUTES AS KING & QUEEN OF TALK. OKEY NAMAN. MAGANDA. ALIW. BONGGA NA SIYA AS A PILOT EPISODE. WAG NA LANG KUWESTIYUNIN ANG FORMAT.

ANO PA BANG PUWEDENG MAGING FORMAT NG ISANG 15 MINUTE TALKSHOW? PILIIN NA LANG LAGING MAGING VERY INTERESTING ANG GUEST AT TOPIC NA PAG-UUSAPAN, WHICH NA-ACHIEVED NAMAN TONIGHT SA LIVE TELECAST. MALAMAN, AND YET, HINDI NAGMAMARUNONG. VERY ENTERTAINING. DAPAT LAGI SILANG LIVE TELECAST. PAG PRE-TAPED AT MAY EDITING, HINDI NA SPONTANEOUS. MABABAWASAN ANG PAGKA-INTERESTING NG SHOW. DAPAT LAGING NO HOLDS BARRED NA MATAPANG TALAGA, PERO NAKAKAALIW ANG MGA PAGTATANONG....

tunay ngang 15 minutes lang ang pilot telecast. walang labis, walang kulang. talagang past-paced. no funfare.

ratatat ang pagsasalita nila, parang may timer. mas si boy ang tanung nang tanong nang mabilisan, sumusundot lang si kris. pero pag may binitiwan si kris, the usual her, sobrang impact. out of this world ang tanong. makukuha mo ang point niya, and yet matatawa ka.

since 15 minutes lang ang show, one commercial gap lang with two 30 seconder loads. in layman's term, may dalawang produkto lang na the usual advertisments in the total of one minute ang gap. dapat lang, kase more than that, ano pa ang mangyayari sa show?!

hindi pa sila nagpaka-showbiz tonight.

alam na natin ang lahat ng isyung tinalakay. ang kaibahan lang, si DOJ secretary leila de lima ang only guest sa gitna nina abunda at aquino. sa POV o point of view ni secretary de lima ang anim na isyung tinalakay.

by the way, wala na rin bago sa set, literally, or the studio set-up ng isang nightly talkshow. very minimal. oval-type table lang na may tatlong upuan for the hosts and the guest at may isang malaking LED TV sa likod nila. okey naman. maganda naman. maaliwalas sa mata.

ang isyung pinag-usapan nang sunud-sunod na ratatat at mabilis talaga, ha?---eto ang anim na isyung pinag-usapan:
ruby tuazon sa pabubuko at pag-uugnay niya talaga ngayon kina jinggoy at enrile sa janet lim napoles case;
tito sotto on pushing the death penalty. sabi ni kris, "kakaiba si senator sotto, no? anti-RH siya, pero pro dealth penalty siya"--na hindi rin sang-ayon si secretary de lima. ayaw niya ang death penalty;

mayor duterte of davao sa pagsasabing pag nahuli niya si davidson bangayan alyas david tan na rice smuggler, papatayin niya. ilang ulit nang sinabi ni secretary de lima na hindi niya gusto ang tabas ng dila ni duterte. "hindi ko alam kong inaaliw lang niya ang media sa sinasabi niya. pero hindi niya dapat sinasabi yun on television. mali yun".

ang bagong sinabi ni secretary de lima, "hindi na natin kailangan ang isang mayor duterte ngayon, dahil hindi na panahon ng wild, wild west. may sinusunod na tayong batas";

vhong navarro-deniece cornejo-cedric lee case. nasabi na rin ni secretary de lima sa mga news nun pa, hindi tutuo ang akusasyon ng abogado nina deniece at cedric na may special treatment kay vhong. "magaling ang NBI. nakuha agad nila ang lahat ng CCTV footages, kaya hindi nagawa kung may balak man itong i-edit, i-tamper o i-delete", sabi pa ni secretary de lima.
and with that, malaki daw talaga ang tsansang mapaparusahan ang mga tunay na maysala;

on president nonynoy aquino. tama ba na hindi siya dapat humingi ng apology sa hongkong sa nangyaring luneta hongkong nationals killing? nirerespeto raw ni secretary de lima ang desisyon ng pangulo at kung hihingan siya ng payo tungkol dito, ganundin ang sasabihin niya.

finally, sa pang-anim na isyu, humirit si kris to open the last topic that ended the 15 minute show.

"let's go personal naman", sabi ni kris kay secretary de lima. "matagal ko nang gustong itanong ito. why blond?"--tukoy ni kris sa buhok ni secretary de lima at saka siya tumawa ng tipikal luka-luka niyang tawa.

"sinubukan lang ng hairdresser ko na kulayan ng ganyan two years ago, hanggang sa nagtuluy-tuloy na".

"may pag-ibig po ba kayo, secretary de lima?", tanong naman ni boy at sinundan pa ni kris ng, "may valentine po ba kayo?".
"i'll just keep it to myself", sabi ni secretary de lima na tumatawa at saka sila nagtawanang tatlo.

"i have two sons at may mga apo na ko. i'm a lola"--pagwawakas ni secretary de lima.
at nagpaalam na sila.

ang bilis, pero ang daming napag-usapan. sinong makakagawa ng isang 15 minute show na walang hindi naitanong, kundi ang king and queen of talk nga lang?!