VICE GANDA hosted a thanksgiving party for the press for the huge success of “Girl Boy Bakla Tomboy” and gave away Starmobile cellphones. Will he have another entry come next filmfest? “When I renewed my contract with ABS, Ma’am Charo and Sir Gabby said dapat may entry uli ako, pero wala pa namang project. What I want is to make a movie that is not an entry to the filmfest kasi baka masanay ang tao na tuwing filmfest lang ako pinapanood.”
How’s his lovelife now? “Basta masaya ang lovelife ko.”
How come he’s being linked to Ejay Falcon? “Noon, crush ko siya, pinapanood ko siya sa ‘Dugong Buhay’ nang nakahubad kaya ni-request kong maging leading man siya sa ‘Girl Boy’. Pero nang maging friends kami, nawala na ang malisya kasi pag naging friend ko na, mahirap nang landiin. Ang crush ko na ngayon, sina Enchong Dee and Enrique Gil. Pero magkasama kami ni Ejay sa concert tour ko sa U.S. Aalis kami on February 26 and we’ll be gone for two weeks.”
What really happened between him and “Showtime” co-host Karylle? “Ayokong pag-usapan ito kasi ayokong magsinungaling. May tampuhan kami, yes, but hindi ako galit sa kanya. Kinikibo ko siya dahil may trabaho kaming dapat gampanan. Ikukuwento ko na lang, kahit baka mapagalitan ako ng management. Sobrang minor nagsimula, e. Nung victory party ng ‘Boy Girl’, kinumbida ko silang lahat na kasama ko sa show pero wala si K. Noong una, sabi, kasi hindi ko raw siya invited. When she was told in-invite ko silang lahat, kasi raw wala siyang driver. Nang sabihing susunduin siya, sabi raw, tinatamad kasi siya. Sobrang mahal ko siya kaya nalungkot ako. Sabi ko, ba’t ganun, alam niyang mahalaga ito sa akin at part siya ng movie. Ang sakit naman ng dahilan niya, tinatamad lang. Hindi ko siya kinikibo pero nang dahil kay Vhong Navarro, binati ko siya dahil I feel we all have to make a stand as a group for Vhong. So okay na kami. Then nag-absent siya, may sakit daw. Pero nakita siya ng director naming si Bobot Vidanes somewhere and asked her ba’t absent siya. She told Direk Bobot daw na umiiwas siya sa’kin kasi sobrang nao-offend si Yael (Yuzon, Karylle’s fiancé) na sa dami raw ng puedeng i-pair sa kanya, bakit ako ang ginawang ka-love team niya sa show. Sobrang fed up na raw si Yael at gustong sumugod daw sa studio. Nasaktan ako. Anong offensive sa pagiging bakla ko? ‘Showtime’ empowers the gay minority through ‘That’s My Tomboy’ and ‘I’m PoGay’. Na-offend pala sa’kin so di iiwas na lang ako sa kanya at baka bugbugin pa ko ng jowa niya. Later on, she denied ever saying it. Siempre, si Direk Bobet ang nagtaka. Bakit binago mo ang story mo? Ano, pag-aawayin ko kayo ni Vice? Honestly, I don’t need the love team kasi mas kailangan niya yun kaysa sa akin. Ayoko talagang ipareha ako sa kanya, e. It’s the staff who said, sige na, for Karylle. So now, let’s just do our job. Dedma na ko sa love team na yan. We can still be friends naman at puede pang magtrabaho nang maayos. Nag-sorry na siya sa’kin. She sent me flowers with a card saying sorry.”
What if she invites him to her wedding? “Hindi pa ako okay sa emotions ko so I’d rather not go. Basta I’m so happy for her and her jowa. They deserve to be happy. Happy naman sila so let’s just be happy for them. Kung nagkasala ako sa kanila, sana mapatawad nila ako.”