<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Mar 9, 2014

Ai Ai De Las Alas On Why She's Currently Feuding With Kris Aquino

AI AI DE LAS ALAS says it’s no joke to play the role of a mermaid. As Banak in the new version of “Dyesebel”, she plays the foster mom under the sea of Anne Curtis. On land, Anne’s real mom is Dawn Zulueta. “Binago na story nito doon sa original,” she says. “Ang ama rito ni Anne, si Albert Martinez, isang siyokoy na kapatid ko. Sa original, parehong tao ang mga magulang ni Dyesebel, e. For my role, nag-aral talaga ako ng swimming kasi, before this, hindi talaga ako marunong lumangoy kundi mag-float lang. At one point, muntik akong malunod. Kasi, nasanay ako sa 4 feet, tapos dinala ako sa 10 feet. Nang hindi ko agad maabot yung surface, nag-panic ako. Buti na lang nahila ako agad pataas ng swimming coach. Pero ngayon, marunong na ko mag-swim habang suot ang buntot ko. Ang bigat niya, ha. Pero kapag nasa dagat na, gumagaan dahil sa buoyancy. Kinunan na yung scenes kong lumalangoy sa Anilao and Lobo, Batangas. Meron ding scenes na nakaharness ako sa isang green screen at kunwari nagsasalita sa ilalim ng tubig habang lumalangoy.”

How’s her three kids? “Sancho is with me. Nag-try out siya sa PBB. Sana makapasok. Yung dalawa, nasa States, sa dad nila (Miguel Vera). Si Niccolo, papasok daw sa U.S. Navy. Si Sophia naman is in high school. I’m so proud kasi straight A’s ang grade niya. Mage-18 na siya on April 15 pero sa April 19 ang debut niya, so go ako roon ng April 17 para umattend. Nagpaalam na ko sa ‘Dyesebel’. Sa March 17 ang start ng airing namin, kaya halos araw-araw ang taping. May time na four days straight, nagte-taping ako.”

It’s said she and Kris Aquino, who used to be BFF, are now having a rift after Kris failed to condole with her when her mother died. It’s said this got worse when she and James Yap became good friends. Have they patched things up since then?

“Si James, dati ko nang friend yan. Noon pa. Pero ayaw niyang maging friend ko si James. E, bati na naman sila ngayon, so siguro puede na. Pero hindi ko pa rin siya binabati. Mas malalim ang dahilan, pero ayoko nang pag-usapan. Ayokong makipag-away sa kanya. Basta okay na itong ganito.”

What about her supposed entry in the next Metro-Manila Filmfest with her and Vilma Santos joining forces? “Siempre, gusto ko yun, Vilmanian ako, e. Pero wala pa namang official notice. Sinasabi pa lang ni Direk Wenn Deramas. Sana nga, matuloy. Ang siguradong matutuloy, yung indie film na gagawin ko for Cinemalaya. Ang title, ‘Ronda’, and I’ll play a policewoman. Bale dalawa ang mga actor na makakasama ko rito, pero kina-casting pa lang. Sabi ko sa director, si Nic Olanka na nagdidirek na sa ‘MMK’, kung puede, si Cesar Montano ang kunin doon sa role ng makaka-love scene ko. Handa akong magpakita ng boobs at puwet dito. Gusto kong manalo ng best actress award sa mga international filmfests, e. Co-producer din ako rito. Bale sa April ang shoot ng seven days straight raw.”

About her lovelife, she swears that despite rumors linking her to some guys, she’s loveless right now after separating from Jed Salang. “Na-annul nang marriage namin sa States. Dapat nga, first anniversary namin sa April 3, no? Pero inabot lang kami ng 29 days. Ayoko nang pakasal uli. Nagka-phobia na ko sa lalaki, e.”

Jed reportedly wishes that they’ll be friends again someday. “Ayoko nga siyang maging friend! Ganun lang ba yun? Milyones ang nagastos ko sa kanya, no? Tapos sasaktan pa niya ko! Buti na lang nabawi ko yung kotseng binigay ko sa kanya. Mga P3 million din yun.”

How is it working with Anne Curtis in “Dyesebel”? “First teleserye namin ito ni Anne. Pero sa movie, naging anak ko na siya in ‘Cute ng Ina Mo’. Hindi pa kami nagkakaeksena dito sa ‘Dyesebel’, e. Most of my scenes here are with Albert as my brother at yung baby Dyesebel na inaalagaan ko. Pag lumaki na si Dyesebel, dun na kami magiging magkaeksena ni Anne. Wala namang problema diyan. Mabait. Madaling pakisamahan.”


POST