MANILYN REYNES says she’s not really bothered if her leading man Janno Gibbs comes late on the set of their hit 6PM soap, “My BFF”. “Siguro magkaiba talaga ang call time namin,” she says. “Kasi ako, morning talaga ang dating ko at nagte-tape na kami agad ng child stars na sina Jillian Ward and Mona Louise Rey. Janno comes after lunch. Siguro yun talaga ang call time niya, so walang problema, huwag nyo na gawaan ng issue. More than yung issue ng punctuality, I think mas dapat bigyang halaga kung nakaka-deliver ba siya in his role as Christian, my ex-husband in the story, and as far as that is concerned, no doubt na ang husay-husay niya. Lalo roon sa eksenang nagpanggap siyang mascot sa party ng anak namin at nahilo siya sa pagsasayaw kaya nag-collapse siya. He’ll do everything para magkabati kami and I’m willing to reconcile with him, pero nakatulog naman siya. What’s worse, pregnant pala ang other woman niyang si Valerie Concepcion as Lavender. Makikita mong mas may lalim na ang acting niya ngayon kaysa noong araw na puro pa-cute love team movies ang ginagawa namin.”