JOYCE CHING is better known for the contravida roles she did in shows like “Paroa”, “Dormitoryo” and “Paraiso Ko’y Ikaw”. “Kaya nga I’m so happy na mabait naman ang role ko in ‘Strawberry Lane’ as one of the four leads,” she says. “Anak ako rito ni Sunshine Dizon and TJ Trinidad pero nanakawin ako from them as a baby at lalaki akong walang kaalam-alam kung saan ako nagmula. Mapagbibintangan akong magnanakaw at dadalhin ako sa Bahay Bagong Pangarap detention center that reforms young women na may problems sa buhay at lumabag sa batas. Doon ko makikila sina Bea Binene, Kim Rodriguez and Joanna Marie Tan. May kanya-kanya rin silang pinagdaraanan and we will be very good friends. Bale reunion namin ito after ‘Tween Hearts’. Magiging magka-love triangle kami ni Kim kay Kiko Estrada. Naninibago nga ako sa role ko dahil dati, ako ang nang-aapi. Pero dito, ako ang laging umiiyak. Challenge nga sa’kin magpakabait at maging sweet. Si Tita Chanda Romero ang lagi naming kaeksena rito kasi siya ang istriktong supervisor na nagpapatakbo doon sa detention center. Mabait siya at magaling so marami kaming natutuhan sa kanya.”
How’s she and ex-BF Kristoffer Martin? “Okay naman kami. We remain friends. But as of now, I prefer to have no lovelife para mas makapag-focus ako sa trabaho. Kasi isinali rin ako sa ‘Bubble Gang’ at enjoy ako doing comedy. Sinasabak din ako rito sa jokes na medyo sexy.”
“Strawberry Lane” starts airing tonight after “24 Oras”.