So Carl is lying? “Hindi siya sinungaling, pero ewan ko sa kanya.” Carl said in his instagram account that he is tired and: “Ayoko nang magpakatanga.”
“Oo nga, ewan ko sa kanya! Siya pa ang tanga? Nasaktan ako sa sinabi niya. Kasi ako, bago ako magbitaw ng salita, iniisip ko kung masasaktan siya. So sana, ganu’n din siya. Hindi naman ako perfect. Alam kong may mga pagkakamali rin ako. Pero hindi tanga ‘yung right word para du’n. Siguro ano lang, hindi ako perfect na tao, so accept my flaws. Parang gano’n. Pero hindi naman siya naging tanga. Hindi tanga ‘yung right word, eh. Ang sakit nu’n, eh. Masyadong masakit, e. Mabait naman si Carl. Kaya lang, lagi kaming nagtatalo, so let’s not talk about him na. Let’s just talk about ‘Hiram na Alaala’.”
So how does it feel to be the leading lady of Dennis Trillo?
“Alam naman ng lahat he’s a good actor. So, siguro, kahit ano ipagawa sa’kin sa eksena namin, kahit na tumambling ako, pagulungin ako sa putik, go na ko. Kasi syempre, nahihiya ako kay Dennis. 100% talaga kasi siya, e.”
She had a kissing scene with Dennis. How was it? “Malambot ang labi ni Dennis.”
So who kisses better: Dennis or Carl? “Grabe naman, isama talaga si Carl? Wala siya sa ‘Hiram na Alaala’, ha. Pero siempre, si Dennis na. Dennis na lang. Mas Dennis ako!” Will she fall for Dennis? “Posible naman, pero parang hindi siguro ako maniniwala sa una na liligawan ako ni Dennis. Parang… Joke ba ‘to? Kumpara kasi sa past girlfriends na niya, parang ano lang ako, isa lang akong bubwit.”
Will she entertain new suitors after Carl? “Ayoko muna. Focus muna ko sa ‘Hiram na Alaala’ kasi biggest break ko ito on primetime. May non-showbiz guy na nagpaparamdam, pero ayoko namang magpaasa ng lalaki. Gusto ko munang single ako. Ayoko na muna ng stress sa personal kong buhay.”