UNLIKE OTHER stars who are active in social media, Maricel Soriano does not have a Facebook or Twitter account, so she’s not able to read all the positive feedback that she and her comeback show, “Ang Dalawang Mrs. Real”, are getting from netizens.
“Pag sinasabi nilang nagte-trending tayo gabi-gabi, hindi ko maintindihan noong una,” she says. “Hindi ko rin knows kung ano yun g hashtag. So they explained it to me at, ngayon, alam ko na. Pinabasa rin nila sa akin ang magagandang comments about my interpretation sa role ng Millet and the show itself at, siempre, tuwang-tuwa naman ako. At least, hindi nasayang ang pagpapagod namin nina Dingdong Dantes at Lovi Poe, with Direk Andoy Ranay, para mapaganda gabi-gabi ang ‘Dalawang Mrs. Real’.”
So will she now have her own social media account? “Ayaaaw. Sana, bawal ang bashers at yung mga nang-aaway sa Twitter. Maha-highblood lang ako, di ba? Kaya makikibasa na lang ako sa accounts ng iba kung ano nasusulat sa show. Pag bashing, di ko babasahin. Wag nyo palang kalimutan this week ang development sa story ng ‘Dalawang Mrs. Real’ dahil idedemanda na ng father kong si Robert Arevalo as Henry si Dingdong Dantes as Anthony and si Lovi Poe as Shiela ng bigamy. So abangan nyo ang madudulang court scenes namin. Malalaman din ng mommy kong si Celeste Legaspi as Aurora na alam pala ng parents ni Dingdong, sina Connie Reyes at Jaime Fabregas, ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Lovi pero di nila pinigil kaya magagalit din siya sa mga ito.”
What kind of ending would she like for “Dalawang Mrs. Real”? “Basta ang gusto ko lang sa ending, wag ipakitang tama ang mali dahil mali is mali. Wag tayong lumayo sa truth. Huwag pagtakpan ang mali para lang magkaroon ng happy ending. ipakita ang totoong consequence ng bigamy.”