MIGUEL TANFELIX admits he felt sad when they were informed that the hit primetime soap, “Nino”, will end on September 12. “Siempre nakakalungkot kasi ang taas ng ratings namin so akala namin, mae-extend pa kami,” he says. “But okay na rin kasi naka-16 weeks na kami. Nagkaroon kami ng thanksgiving mass last weekend na ginanap mismo sa Sto. Nino Church sa Tondo bilang pasasalamat sa tagumpay ng show. Malaki talaga ang utang na loob ko rito. Dahil sa ‘Nino’, mas nakilala ako ng mga tao, hanggang sa U.S. Hayan nga at may nag-request ng fans sa’kin sa States na makita ako roon ng personal, kaya isasama na ako ng GMA sa next show nila sa States for GMA Pinoy TV on September 27. Tamang-tama dahil by September 10, last taping day na namin for ‘Nino’. Siempre, excited ako, kasi first time kong makakarating sa America. May passport na ako at ikukuha na rin ako ng U.S. visa.”
He will perform with the group of Tom Rodriguez, Julie Anne San Jose, Betong Sumaya and Carla Abellana at the GMA Pinoy TV event in Redondo Beach, Californina. “Sana nga, makapasyal-pasyal pa kami sa ibang lugar doon habang nasa States kami. Gusto ko mapuntahan yung Disneyland at Universal Studios.”
Will he miss portraying the mentally challenged Nino? “Siempre, kasi ilang months ko rin siyang dala-dala. Kahit nga ako lang mag-isa, praktis ako ng praktis para ma-perfect yung role ko, lalo na yung movements ng mga kamay. Minsan nga, nasa mall kami, kumalat na nandun ako at hinanap ako ng mga tao kasi gusto nila makita kung ganun talaga ang movements ng kamay ko. Minsan naman, napilitan akong sumakay sa MRT mula Magallanes Station kasi male-late ako sa appointment ko sa GMA. Nakilala rin ako ng mga tao at nagpa-picture pa sa akin. Hindi naman daw pala talaga ako sinto-sinto sa personal.”