<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Oct 12, 2014

Yasmien Kurdi Goes Sexy Playing A Nightclub Dancer In 'Yagit'

YASMIEN KURDI is thankful that she has made a successful showbiz comeback after she got married to hubby Rey Soldevilla and had a daughter, Ayesha. “After isali ako sa ‘Anna Karenina’, nasundan agad ito ng ‘Rhodora X’ at ngayon heto naman, may kasunod na ulit agad, ang ‘Yagit’ na maganda ang role ko opposite James Blanco,” she says. “As Dolores, umibig ako kay James na anak ng mayamang si Raquel Villavicencio as Donya Claudia. Ayaw ng mommy niya sa akin at pinaglayo kami, but I’m pregnant na. Itinago ko sa kanya ang anak naming si Eliza, played by new child star Chlaui Malayao. Magkakagusto naman sa akin ang isang mabait na pulis, si Renz Fernandez as Roman. Maraming mahihirap na eksena rito, gaya ng pagiging dancer ko sa club. Pinasok ko ang trabahong ito para mabuhay ang anak ko. Ang sexy ng suot ko rito at buti na lang, payat na ako ngayon. According to Direk Gina Alajar, sa scenes na sumasayaw na ako on stage, lumabas daw ang hindi dapat lumabas kaya inedit na niya para hindi mapanood sa TV.”

In the movie version of “Yagit” made in 1984, her role was played by Charo Santos, who’s now president of ABS-CBN.

“Nakaka-pressure nga kasi baka ikumpara ang acting ko sa kanya,” says Yasmien. “Kaya naman with the help of Direk Gina, ginagawa ko ang lahat para magampanan ko ng tama ang role ni Dolores para hindi ako mapahiya.”

Since she belongs to the first and original batch of Starstruck winners, she helps out in conducting the regional auditions for Starstruck 6. “Nanumbalik nga sa alaala ko yung time na ako ang naga-audition ten years ago. Napagdaanan ko ang pinagdaraanan ng mga naga-audition ngayon. Naranasan ko ang mapagsungitan ako, okrayin ako. Alam ko ang feeling noong parang minamaliit ka kaya mabait ako sa mga napupunta sa’kin para mag-audition. Alam kong they are trying their best at gusto kong i-boost yung confidence nila at hindi ‘yung umalis sila ng audition na malungkot sila at ma-discouraged.”

This coming Christmas, she, husband Rey Soldevilla and their baby will go visit her Lebanese dad who lives in Kuwait. “Hindi pa kasi na-meet ng dad ko ang husband ko at ang apo niya so excited kaming lahat. Nagpaalam na ako sa ‘Yagit’ at malamang mag-advance ako ng taping ng some episodes bago ako umalis.”

“Yagit” starts airing this afternoon after “The Half Sisters”.

POST