COCO MARTIN says he learned a lot from Kris Aquino while doing with her his very first horror flick, “Feng Shui 2”. “Siyempre, pag sinabi nating horror movie, si Ate Kris ang reyna diyan,” he says. “Kaya ‘pag magkaeksena kami, tinitingnan ko kung paano ‘yung atake niya at ang dami kong natututuhan tungkol sa tamang atake sa horror, also from Direk Chito Roño. Malalim na ang pinagsamahan namin ni Ate Kris dahil tinulungan pa nila ako noon ng family niya when I did the film ‘Noy’. Nang masuong ako sa controversy dahil sa Bench, siya yung kaisa-isang tao na nag-text sa akin, na pinaramdam niya sa aking ‘Nandito ako, nandito ang family ko. Kung ano ang kailangan mo, nandito kami dahil naniniwala kami sa ‘yo bilang tao, dahil naniniwala kami sa ‘yo na wala kang inaapakan at iniisip na hindi maganda para sa iba.’ Kapag bumaligtad na pala ang bangka, wala ng tutulong sa ‘yo. At siya ‘yung kaisa-isang taong tumulong at nagparamdam sa akin nun.”
“I didn’t know na ako lang pala,” says Kris. “Thank God pala. I wanted him to feel that he was not in it alone.
Sabi ko, kawawa naman ito kasi… Bench is not guilty. He was not guilty. It was an innocent mistake and I’m glad lahat ’yon natapos. Wow! From now on, alam ko na. Magti-text na ako nang madalas.”