Dec 10, 2014

Vice Ganda Confident 'Praybeyt Benjamin' Will Be Number One & Admits Kris Aquino Is A Stage Mom To Son Bimby Yap

VICE GANDA says he’s not at all worried that his filmfest entry, “Amazing Praybeyt Benjamin”, is up against the movies of Kris Aquino and Vic Sotto. “Wala. Hindi ako ninenerbiyos. Kampante pa ako.”

He said last year, Vic and Kris’ “My Little Bossings” was number one only during the initial run of the festival, but after that, his “Boy Girl Bakla Tomboy” earned more, with a total of P436 million. Does he think he’ll be number one again this year?

“Kini-claim ko. Lagi ko namang kini-claim na, number 1 ako, so kini-claim ko uli. Kasi ang bait ng Diyos sa akin, e. Kung anong i-claim ko, binibigay Niya. And He never failed me. Simula pa nu’ng kauna-unahang araw na nagpelikula ako, binibigay na Niya. Makikita naman natin na talagang eve­ry year, binibigay Niya. Sabi ko nga kay Direk Wenn Deramas, mula 2011, 2012, 2103, pelikula namin ‘yung nagna-number 1 sa box-office. Kaya nakakatuwa, ang bait-bait ng Diyos sa amin. Kaya kung ganu’n kami kalapit sa Panginoon. So matatakot ka pa ba? Kaya itong ‘Praybeyt Benjamin’, oo, i-P600M na natin ito.”

Direk Wenn says it’s bigger than the first movie. “Doon, naging hero lang sa bansa si Benjamin. Ngayon, global na siya, buong mundo na ang ise-save niya.”

“Mas nakakapagod ito sa una kasi maraming physical scenes na nag-a-action ako sa fight scenes namin ni Tom Rodriguez,” adds Vice. “Nag-enjoy ako, pero pag-uwi sa bahay, maraming masasakit sa katawan ko.”

“Si Vice na talaga ang unang baklang action star!” says Tom.

Vice also admits that Kris is a certified stage mother to her son Bimby Yap, who plays Vice’s ward in the movie.

“Nangingi­alam talaga siya. Kasi mahirap ‘yung pinagawa kay Bimby. Na kahit ako rin, na­awa ako sa bagets. Kasi, pinag-Chinese siya. Lahat ng linya niya, in Chinese. Eh ‘yung bata, hindi handa. So, merong Chinese instructor na binibigay kay Bimby ‘yung mga linya niya na Chinese. Tapos, si Kris ‘yung papalit siya nang papalit. ‘Huwag ‘yan, ‘yung mas maiksi pa.’ Babaguhin nung instructor, pero siya, ‘Hindi ‘yan, ‘yung mas simple pa.’ Naloloka ‘yung Chinese instructor. Pag hindi pa rin masabi ni Bimby, ‘Huwag ‘yan, Tagalog na lang.’ Ang ending, nag-Tagalog na lang si Bimby. Pero masaya pag nandun si Kris, kasi ang daming food. Tapos, mabilis kaming nagtatrabaho. Kasi tingin siya nang tingin sa relo. Lagi siyang nagbabantay sa set pag wala siyang shooting.”