It seems Dingdong himself is the object of Marian’s “paglilihi”. “Napapadalas 'yung kurot sa akin, e, lalo kapag may naaamoy na hindi maganda. Kinakagat din ako dito,” he points to his cheeks, “at kunsaan-saan.” Marian says she has other cravings. “Nung isang araw pa ang hinanap ko White Rabbit, ‘yung candy na kinakain ‘yung balat. Tapos nung isang araw, Haw Haw, ‘yung candy pa rin. Kulay puti pa din. Puro puti ‘yung hinahanap ko, hindi ko alam kung bakit. Tapos ayaw ko lang nung pabangong sobrang tapang. Mahirap din kasi every morning, nagsusuka talaga ako. Tapos may mga times na kahit medyo hindi naman malayo biyahe, madalas ako nahihilo. Sabi ko, okay lang, kaya kong tiisin lahat ng sakripisyong ‘yan kung ang kapalit naman ay isang napakamagandang biyaya mula sa Panginoon.”
Do they prefer a boy or a girl? “Let’s take it one step at a time. As of now, sobrang nagpapasalamat lang kami na may biyaya kami ng isang buhay. So siguro, okay na kahit ano pang ibigay sa amin as long as normal siya,” says Dong. “Sa tuwing nag-uusap kami parang sobrang emotional ko. Sabi ko ito ‘yung isa sa mga pangarap ko na gusto kong mangyari sa buhay ko, ang maging isang mommy. So ibinigay siya sa akin,” adds Marian.
Dong also confirmed the good news in a message in his social media account: "We are extremely grateful because the greatest gift called life has already been bestowed upon us by God. In behalf of my wife, and our coming baby, we thank all those who prayed for, and with us. Faith really has its way of fulfilling lifelong dreams.”