THERE ARE TWO Ginas in “Let the Love Begin”: Gina Alajar as the director and Gina Pareno as the mother of Ai Ai de las Alas. Gina Alajar reveals: “As a child actress in Sampaguita Pictures, I play the young Gina Pareno in two movies, ‘Donata’ and ‘Contessa’. And when she played Darna in ‘Darna and the Planetmen’, ako yung batang Narda na nagiging Darna. First time ko siyang maidirek dito sa ‘Let the Love Begin’ and it’s so nice to work with her. I’m also glad to be the director of this show that is not just entertaining but imparts valuable lessons in life and love.”
We turn to Gina Pareno and ask her how it is to be directed by her namesake? “Naku, ang saya-saya nang una kaming magkita. Ibang-iba na siya. Noong bata pa siya, very fragile yan. How time flies. Tingnan mo naman ngayon, isa nang magaling na director. I’m so proud of her.”
Did she ask permission from ABS-CBN to work with GMA-7? “Oo naman. Nagsabi ako. Kasi last work ko pa sa kanila was ‘Dyesebel’ last year. Seven months na akong bakante. Pero nataon, namatay ang mother ko, kaya nag-rest din ako. But after a while, na-miss ko na umarte. Inalok muna ako ng GMA to guest in ‘Magpakailanman’, tapos ito na ngang ‘Let the Love Begin’. Ang nakakatuwa, anak ko rito si Ai Ai de las Alas, na huli kong nakasama sa ‘Dyesebel’ sa ABS. Hindi naming akalain pareho na ang next project pala namin, sa GMA-7 na. Nakakatawa nga kasi may cut off ako, hanggang 12 midnight lang ako. E, tsikahan kami nang tsikahan, hindi ko namalayan, alas dos na pala ng umaga. Sila pa nagsabi sa’kin, Tita, umuwi ka na.”
How does she find acting with new teen stars Ruru Madrid and Gabbi Garcia? “Ay, mababait ang mga batang yan. Magagalang at magagaling. Nagugulat ako, kapag sinabing iyak, ang bibilis nila umiyak. Malayo ang mararating nila.”