“Sinubukan ko rin namang umibig pero lagi akong natatapat kay Mr. Wrong, so I’ve reached a point na accepted ko nang I will just be by myself,” she says. “You can be happy naman kahit nag-iisa ka lang at walang katuwang sa buhay. I’m taking care doon sa isang kapatid kong may sakit na galing abroad. Akong nag-aalaga sa kanya. Ayoko namang magkaanak out of wedlock. Personal decision ko to be single at pangangatawanan ko ito. May alaga rin akong mga aso so happy naman ako, lalo’t tuloy-tuloy rin ang careers ko bilang artista and interior designer.”
She’s glad to be part of the cast of the new version of “Marimar” that starts airing tomorrow night after “24 Oras”. “After playing contravida roles in a lot of soaps, I’m glad na hindi naman ako villain dito. Mabait ako at ako yung wealthy socialite na magiging kaibigan ni Megan Young as Marimar. Ako ang tutulong sa kanya para bigyan siya ng make-over at mabalikan niya yung mga nang-aapi sa kanya. Aside from this, tuloy-tuloy rin ang role ko sa sitcom ni Ryan Agoncillo na ‘Ismol Family’, kunsaan nagko-comedy naman ako.
Nakakatuwa kasi iisa ang director namin in both ‘Marimar’ and ‘Ismol Family’, si Direk Dominic Zapata, na versatile talaga kaya kahit comedy man o drama ang ginagawa niya, always very effective siya.”