<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Aug 20, 2015

Susan Roces Defends Daughter Grace Poe From Detractors Who Do A Demolition Job On Her

NOW THAT THE adoptive mother of the "inaaping ampon" has started talking to take she cudgels for her daughter and defend her, the foes of Sen. Grace Poe should all the more shake rattle and roll with fright because, for sure, more people will now sympathize with her as she's starting to appear as the underdog. The Queen of Philippine Movies, Susan Roces, said her piece at the renewal of her contract with Champion Detergent and she really said quite a mouthful.

"Never namin siyang tinawag na adopted o ampon," she says. "Lalong never ko siyang tinawag na pulot. How dare they use that word! Grace is our daughter. Nakakabit pa ang pusod niya nung siya'y matagpuan sa simbahan sa Jaro. Tapos, kukuwestiyunin nila kung citizen ba siya ng bansang ito? Binale wala nila ang paggamit niya ng pangalan ng kanyang ama, Ronald Allan Poe, at ang aking pangalan, Jesusa Sonora Peo, nung siya'y nag-fill up ng application ng kanyang candidacy. Bakit? Anong karapatan nila na ipawalang bisa ang ipinaglaban namin sa korte para magkaroon siya ng tunay na birth certificate? Itinadhana ng Diyos na kami ang maging magkakasama. Itinuturing kong napakapalad ko dahil biniyayayaan kami ng anak ng Panginoong Diyos. Oo, natagpuan siya sa simbahan. Sabi ko nga sa anak ko, 'Anak, mabubuti ang mga tao, kung sinuman sila, dahil hindi ka nila itinapon sa basura kundi sa bahay ng Panginoong Diyos ka inilagak. Salamat at pinagtagpo ang ating landas dahil ipinanalangin ko sa Diyos na magkaroon ako ng anak at ikaw ang ibinigay Niya sa akin. Tapos, basta nila sisirain ang anak ko. Wala silang karapatang duru-duruin ang anak ko. Kahit hayup, nasasaktan kapag hindi ginagawan ng tama ang anak niya kaya handa rin akong ipagtanggol ang anak ko. Pinagbintangan pa nilang lasengga at nananakit ng kasambahay. Dapat, hindi na patulan e. Pero ang masasabi ko lang, hindi namin ugali yan sa pamilya namin at hindi ko papayagan na maging ganyan ang anak ko. Mas matindi ang paninira sa anak ko ngayon kaysa kay FPJ noon. Mas personal kasi ang paninira sa pagkatao niya. Kung magagawa nila, di hanapin na nila yung taong makaka-match ng DNA ni Grace. Aba, e magpapasalamat pa ako sa kanila dahil talagang matagal na namin yung hinahanap."


As to whether Sen. Grace will run for the president, Swanie doesn't want to meddle. "Pinalaki namin siyang independent, so siya mismo ang gagawa ng decision para sa sarili niya. Ayokong magbigay ng opinyon o suhestiyon. Kung nakatakda talaga siyang maging Pangulo ng ating bansa, anumang paninira at black propaganda ang gawin ng mga kumakalaban ngayon sa kanya, hindi sila magtatagumpay dahil sa overwhelming support ng mga tao who are all urging my daughter to run at magdulot na maraming pagbabago sa bansa nating ito."

POST