“Naku, si Lord na ang bahala kung magna-number one kami talaga sa takilya,” she says. “Basta ginawa naming lahat, along with Direk Joey Reyes, na maging maganda ang buong movie at tiyak naming mapapasaya namin ang viewers when it opens on Christmas Day.”
What about winning awards? “Hindi namin iniisip yan. Ang mas mahalaga, maging blockbuster ito sa box office. Feelgood movie ito na hindi ka lang tatawa kundi kikiligin ka pa at mai-in love ka dahil sa AlDub”.
What would she say is the real score now between her younger co-stars? “Pareho silang sweet sa isa’t isa sa set. Kitang-kita mo naman yung chemistry nilang dalawa, hindi lang sa screen kundi maging off cam.”
So, nagkaka-developan na ba silang dalawa? “Kung minsan, nakikita ko, nag-uusap sila na parang sila lang ang tao sa mundo, so sa tingin ko, malapit na nga silang ma-develop sa isa’t isa.”