Nov 28, 2016

Paolo Ballesteros' Time To Shine Has Come According To Mother Lily Monteverde

PAOLO BALLESTEROS is on cloud 9 as his “Die Beautiful” is now an official entry in the Metro-Manila Filmfest, with Regal Entertainment releasing it. His manager, Joji Dingcong, says Paolo has always been lackadaisical in his career.

“Actually, noon pa maraming kumukuha sa kanya, pero lagi niyang sinasabi, happy na siya sa ‘Eat Bulaga’. It’s his own decision na huwag tumanggap ng projects ng sabay-sabay, huwag maglagari. Lagi kong sinasabi sa kanya, hindi na siya bumabata at hindi rin siya yumayaman. So blessing in disguise nga na na-suspend siya dahil nakagawa siya ng two movies at nanalo pa siyang best actor sa isang international filmfest.”

Direk Jun Lana says that when he wrote the script for “Die Beautiful”, he had no particular actor in mind. “But when we presented it sa Hong Kong Film Financing Forum in 2014, kailangang may maipakita kaming trabaho and I asked Paolo, puede ba mag-pictorial ka. Kunwari, ikaw ang bida para makahingi kami ng funding. At yun nga, natuloy yung project at ang laking tulong na si Paolo ang


kinuha namin kasi siya mismo ang nagme-make up sa sarili niya para sa kanyang transformations, kaya nakatipid kami. But more than that, he really has so many talents. Yung acting na pinakita niya rito sa dramatic scenes niya with his daughter, Inah de Belen, he’ll surprise a lot of people. Like yung members ng jury sa Tokyo Filmfest, galing na galing sa kanya. Napatawa na niya, napaiyak pa.”

“Malaki rin ang nagawa ni Direk Jun,” says Paolo. “Kasi kahit akala mo, light lang yung eksena, nag-uusap lang kayo. Yung last scene ko sa best friend ko, hindi ko alam, nagpapaalam na pala ako kasi mamamatay na ko. Kapag pinanood mo na on screen, maiiyak ka. At saka perfectionist siya, paulit-ulit ang eksena. Kung minsan, may isang strand lang ng buhok ko na nakita niyang nakatikwas, pauulit ang eksena. E, ang hirap kayang padapain ng buhok kasi wig nga, e. Ha ha ha!”
Isn’t he afraid he’d be typecast in gay roles? “Wala namang kaso kung gay role uli ang ibigay sa’kin. Basta ibang klaseng bading naman. Hindi yung gaya ni Trisha rito sa ‘Die Beautiful’ na nagawa ko na.”

What if it’s a gay role where he’d do nude hot love scenes and torrid kissing scenes with his leading man? Is he ready? “Ang tanong is: ready na ba sila sa’kin?”