Dec 12, 2016

Nora Aunor Humbly Won't Accept Or Claim The Titles Given To Her: Metro Manila Filmfest Queen & The Grand Dame Of Philippine Cinema

 NORA AUNOR laughs off the title given to her by some writers as the Metro Manila Filmfest Queen. “Tigilan na yang mga ganyang titulo,” she says. “Walang reyna ang festival.”

But if you’d check her track record, there’s some truth in this as she is the actress with most number of wins as Metro-Manila Filmfest best actress. This is for the following films: “Atsay” in 1978, “Ina Ka ng Anak Mo” in 1979 (tie with the late Lolita Rodriguez), “Himala” in 1982, “Bulaklak sa City Jail” in 1984, “Andrea, Paano Ba Maging Isang Ina” in 1990, “Totoong Buhay ni Pacita M.” in 1991, “Muling Umawit and Puso” in 1995 and “Thy Womb” in 2012. That’s a total of 8 best actress trophies. Quite a record, isn’t it? It’s predicted that she’d win again this year.

“Naku, huwag nating sabihin yan. Maraming artistang mas magaling sa akin,” she says humbly. “Masuwerte lang siguro ako na magaganda yung roles na napupunta sa akin at nasasali pa sa international festivals like ‘Thy Womb’ sa Venice. Sa ngayon, sa palagay ko naman, wala na akong dapat na patunayan pa. Nagpapasalamat na lang akong ang bagong movie ko, ‘Kabisera’, maipapalabas sa filmfest ngayon. Very proud ako rito kasi ipinapakita rito ang importansiya ng pamilya. Pero ayokong isiping mananalo na naman ako gaya ng pine-predict nila, kasi hindi pa naman natin alam ang roles at hindi pa natin napapanood ang pagkakaganap ng ibang mga artista sa sarili nilang entries. Nahihiya nga ako doon sa title na binigay nila sa akin sa trailer ng ‘Kabisera’, The Grand Dame of Philippine Cinema. Baka malait na naman tayo diyan at sabihing nag-iilusyon. Sila po ang naglagay niyan, ha, hindi ako. Gusto ko lang pasalamatan lahat ng kasama sa movie, lalo na si Ricky Davao na gumanap na asawa ko, at sina Jason Abalos, JC de Vera, RJ at Alex Agustin bilang mga anak namin. Magagaling din silang lahat.”