DAY ONE
Isang DJ na mahusay humugot si Sinag, mas kilala sa alias niyang “DJ Sunshine.” Sa galing niyang humugot, tatanungin siya ng isang caller kung na-inlove na ba siya. Babalik sa isip ni Sinag ang nakaraan.
Ipinanganak si Sinag sa Pelangi, isang munting bayan ng mga pintor sa itaas ng bundok. Pintor si Teddy, ang kanyang ama, habang manghuhula at pintor din si Sally, na kanya namang ina. Mayroon din siyang dalawang nakakabatang kapatid, sina Sol at Tala.
Sa isang parada ay aksidenteng mawawala ang batang Sinag sa dami ng tao. Dito siya ililigtas ng isang batang turista, si Benjie. Ngunit bago pa man nila maitanong ang pangalan ng isa’t isa ay darating na ang kanilang mga magulang para sunduin sila.
Taong 2010, sasaktan at iiwan si Sinag ng kanyang high school classmate at first love, si Eboy, dahilan para maging bitter siya sa pag-ibig. Pero paminsan-minsan ay naalala pa rin ni Sinag ang batang nakilala sa parada noon. Nasaan na kaya ito?
Sa kanyang paglaki, magiging DJ si Sinag sa radio station na pag-aari ng namayapa niyang lolo. Kasa-kasama niya lagi ang mga kababatang sina Ninay, Arman at Badong (na may lihim na pagtingin kay Sinag).
Si Benjie naman ay makakapagtapos bilang arkitekto sa Maynila at mapapabilang pa sa Top 10 ng board. Dahil matagal nang pumanaw ang kanyang amang si Gabriel, ang kanyang inang si Amanda na ang mag-isang nagtaguyod sa kanya.
Dahil sa hirap ng buhay, mapipilitan sina Sinag na ibenta ang isa sa pinakapaboritong sculpture ni Teddy, ang Destiny’s Promise, kay Nana Puring, isang art dealer mula Maynila na bumisita sa Pelangi.
Malulungkot si Sinag sa pagkawala ng sculpture. Pero maiintindihan ni Teddy ang kanilang ginawa. Dito natin malalaman na matagal na palang hindi nakakalikha ng sining si Teddy dahil sa isang aksidente noon. Nahulog ang bus na sinasakyan niya sa bangin, at kung di dahil sa tulong ng isang turista, si Gabriel, ay hindi mabubuhay si Teddy. Kaya lamang ay buhay ni Gabriel ang naging kapalit ng paglilitas nito kay Teddy.
Dadalhin ni Nana Puring ang Destiny’s Promise sa kanyang gallery sa Maynila. Makikita ito ni Benjie, na nagtrabaho pala ng part-time sa gallery ng matanda noong nasa kolehiyo pa ito. Mapapangiti si Benjie habang hawak ang sculpture.
DAY TWO
May hint ng malungkot na past relationships ni Benjie. Si Benjie ay playboyish ngayon at papalit-palit ng girlfriend mula nang niloko siya ni Trish maraming taon na ang nakararaan.
Makikita natin ang pagdurusang inabot ni Amanda sa kamay ng mga Rosales thru her flashbacks. Ni hindi pala sila nakalapit noong libing ni Gabriel.
Manunumpa na bilang isang ganap na arkitekto si Benjie kasama ng best friend niyang si Jason. Proud na proud si Amanda kay Benjie dahil kasama pa ito sa top ten ng board. Kaya lamang ay hindi matutuwa si Amanda nang malaman niya mismo kay Benjie na gusto nitong subukang mag-apply sa kumpanya ng mga Rosales, ang kumpanya na pangarap ng lahat ng mga arkitekto. Hindi papayag si Amanda sa gusto ni Benjie. Magkakaroon pa ng kaunting alitan ang dalawa. Pero dadalawin ni Helen si Amanda at personal na pakikiusapan itong hayaan na si Benjie na pumasok sa kanilang kumpanya. Magbabago ang isip ni Amanda.
Isang araw ay masisira ang antenna ng Radyo Pelangi. At ang tanging maiisip ni Sinag para iligtas ang nalulugi nilang istasyon ay hunanap ng sponsors sa Maynila, particularly ang higanteng Rosales Corporation.
DAY THREE
Halos sabay na papasok sina Benjie at Sinag sa entrance ng Rosales Corporation.
Didiretso sa opisina ng presidente ng kumpanya si Benjie kasama si Helen. Susubukang hiyain ni Vicente ang apo, pero magugulat siya sa tapang nito. Tatanggapin niya sa kumpanya si Benjie. Hindi ito ikatutuwa ng kapatid ni Gabriel, si Catalina. Sabik na sabik si Helen sa apo, kaya naman agad siyang hihingi ng oras na makasama at makausap pa si Benjie pag-alis nila sa opisina ni Vicente.
Sa kasamaang palad naman ay hindi papapasukin ng mga guwardiya si Sinag. Wala raw kasi itong appointment kay Vicente. Uuwing luhaan si Sinag. Sa kanyang pag-uwi sa Pelangi ay mangangako sina Sally na tutulungan siya sa abot ng kanilang makakayawa upang maisaayos ang radio station.
Bigla namang magkakaroon ng vision ang psychic na si Sally. Makikita niya ang soulmate ni Sinag! Ipipinta niya ito sa isang mural. Kamukha ni Benjie ang nasa larawan. Pero dahil wala namang nakakakilala sa kanya sa Pelangi ay iisipin ng mga tao na hindi siya totoo. Lalo namang hindi kumbinsido ang bitter na si Sinag.