Katrina Halili plays the kontrabida in their show. They have plenty of ‘sampalan’ and catfight scenes in the story. How is it working with Kat?
“Sa kanya ako actually na-intimidate sa harap ng camera. Pareho kaming Starstruck graduates. Batch 1 siya and Batch 2 ako. Napapanood ko na siya ever since bilang kontrabida and she’s just remarkable. Iisipin mo talagang salbahe siya. But off screen, sobrang ibang-iba siya, sobrang bait, tahimik lang. Malambing at iyakin pa nga. Kapag sinabi kong ‘you look good, sobrang ganda mo today’. Naiiyak na siya sa tuwa. Ganun siya.”
So they get along well? “Oh yes. I love it na magaan siyang katrabaho kasi intense ang mga eksena namin dahil ang characters namin dito, laging nag-aaway. But after each take, napakabait niya and she asks me kung nasaktan ba niya ako. Nagso-sorry pa siya.”
Her character as Mayumi is not the usual “api-apihan” type of heroine. “Palaban din siya. Ready to defend herself and fight. Kapag tinalakan ako ni Kat, tatalakan ko rin siya. E, hindi ako yun kasi in real life, hindi ako palaban, hindi ako confrontational na tao. Kaya big challenge sa’kin ang role ni Mayumi.”