She knows the show is really rating high because people now call her Amanda when they see her in public. “For the longest time, ang tawag nila sa’kin kapag nakikita nila ako is Clara, because of ‘Mara Clara’. Pero ngayon, mukhang nagmarka talaga sa kanila si Amanda dahil yung na ang tumatak sa kanila. Ang maganda, hindi sila nagagalit sa’kin, kasi comedy ang treatment ko sa role ko. Kahit contravida ako, natatawa ang mga tao kasi madalas na pumapalpak ang evil schemes ko laban kina Barbie.”

siyang umuwi para isa sa amin, kasama sa bahay ang mga anak namin kapag gabi na. May eksenang pati siya, nasampal ko, at nagreklamo, bakit ang lakas daw. Hindi ko man lang daw inalalayan o dinaya. E, ako talaga, hindi ako nandaraya. Maski si Judy Ann Santos, alam yan when we we’re doing ‘Mara Clara’. Dito nga, si Barbie, nasasampal ko rin, pero okay lang sa kanya. Meron nga kaming guest star sa show na nang malamang may sampalan scene, gusto dayain ko. Huwag ko raw lakasan kundi sasampalin din niya ako. Siempre, ayoko. Sabi ko sa direktor namin, huwag na lang ituloy.”
So who is that guest star? “Ay, huwag na nating banggitin ang pangalan. Kapag nakita kong hindi game ang kaeksena, ayoko na lang gawin. Ang sa’kin lang, kapag pumasok ka sa trabahong ito, bilang artista, you should be ready for such scenes. That’s part of our profession. Noong ‘Ikaw Na Sana’, sinampal ko si Angelu de Leon. Umiyak talaga, kahit tapos na ang eksena. Matagal bago tumahan. Tapos sabi sa’kin sa dressing room, ‘I’m pregnant’. Ay, buntis pala, kaya umiyak.”
#ShowbizPortal #GladysReyes #IndayWillAlwaysLoveYou #IWALY