“It’s me who chose it,” says Alex, who also wrote the film’s story. “Dream ko talagang makapunta roon, kasi parang in my past life, galing ako roon. So, Jen, the character I play in the movie, gusto rin niya makarating doon.”
“Dream destination talaga ng maraming millennials ang Iceland,” adds Direk Roni Velasco. “300,000 lang ang population nila, but their tourists number up to 4 million every year.”
“Sobrang ganda talaga ng bansa nila,” says Paolo. “The love story as a movie material might be familiar, but bagong-bago talaga ang location. Maski ang ‘Game of Thrones’ doon din nag-shoot. Sobrang lamig lang talaga. One time, nagsu-shoot kami na ang temperature is negative 10 degrees. Hirap na hirap kaming mag-dialogue. And in one scene, pinag-swimming ni Direk si Alex sa lagoon na muntik na siyang mamatay.”
“Sabi nila, hot springs,” adds Alex. “E, hindi naman. Sobrang lamig pa rin. Ang ganda ng place pero feeling ko, malapit na akong mamatay. Yun pala ang feeling ng hypothermia, nanginginig lahat ng laman ko at parang titigil na ang puso ko. They have to revive me.”
“Lumusong nga ako, namatay lahat ng mga kuko sa paa,” Paolo jokes.


What is the difference of their movie to other “hugot” movies filmed abroad? It’s Direk Roni who answers: “Ang ganda ng chemistry nina Alex at Paolo on screen. Nakakaaliw silang panoorin. Alaskahan sila kahit sa harap ng kamera. Humahaba ang eksena dahil adlib sila nang adlib. You can see they’re really so comfortable with each other and it shows in the movie. Very natural ang performances nila.”
“Through Night and Day” is scheduled to be shown on November 14.