“Wala kasi kaming nakaimbak na episodes. Ang calltime namin kung minsan is 1 AM, and what we taped in the morning, yun ang ipalalabas on the same day in the afternoon. Hand to mouth talaga. Now, we have to double time the taping kasi nga, may Christmas break and aalis pa si Gelli de Belen to spend the holidays with her sons in Canada, so halos hindi na kami natutulog. Buti na nga lang, magbabakasyon na rin kami so we can rest.”
Her role as Eloisa is often in conflict with the character of Valerie Concepcion as Clarisse. They’ve had many catfights and looks like they really hurt each other in the process.
“We try our best para hindi kami magkasakitan, so we rehearse what we’ll do before the take. But sometimes, kahit alalay kami, hindi talaga maiiwasang masaktan, so umuuwi kaming may mga pasa. Grabe! Nakakapagod talaga, lalo na nga, ang laki-laki ni Valerie kaysa sa’kin kasi big boned siya, e. Kapag nadaganan niya ako, hindi na talaga ako makakakilos. In one scene naman na sasaksakin niya ako ng kutsilyo, naputol ‘yung kutsilyo nang isaksak sa side ko. Fake naman yung knife pero napuruhan ako sa tagiliran kaya masakit talaga. Sorry naman siya ng sorry sa akin. Later, she showed me na natamaan ko rin siya sa balikat at may pasa siya roon. So sabi niya, Ayan, ha, Ate, quits na tayo. Walang personalan.”