Feb 11, 2019

Jackie Rice As Tiffany Steals Ruru Madrid From Kylie Padilla In 'Toda One I Love'

JACKIE RICE is the female winner in Starstruck 3 and is definitely leading lady material, so we don’t really know why she’s relegated to supporting roles. She now plays another contravida role in “TODA One I Love” as Tiffany, who’s trying her best to snatch Ruru Madrid away from Kylie Padilla. Doesn’t she dream of playing a lead role again someday?

“Of course, I do,” she says. “Sino ba naman ang hindi mangangarap na magbida uli? But okay na rin ito. At least, lagi akong may trabaho at hindi ka masyadong pressured kasi you’re the villain. Kaysa kung lead ka, nasa balikat mo ang pressure para mag-rate ang show. Hindi ko na kailangang maging choosy kasi hindi naman ako pinabayaan ng GMA. After I did ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’ na panghapon, heto, nasa primetime show naman ako ngayon. Romcom ito kaya lighter ang treatment, may comedy. Unlike ‘Hindi Ko Kaya’ na heavy drama at lagi akong galit. Basta ang importante, steady lang ang work ko at hindi ako nababakante nang matagal.”



She admits there was a time she neglected her work because of love. “But that was before. After I broke up with my last boyfriend, mga two years na akong loveless. Okay naman. Hindi naman ako naghahanap. Tahimik ang buhay ko. Puro trabaho at bahay lang. If ever magkarelasyon uli ako, gusto ko, magka-baby, pero ayoko ng kasal kasi ayoko naman ng asawa, baby lang. If ever, gusto ko, kapag kinasal kami, yung matanda na kami at sure na sure na kami sa sarili namin at yung mga anak namin ang siya ng abay sa wedding. Yun, siguradong true love na yun. Ayokong magpakasal ngayon dahil lang yung mga kasabay kong artista puro nagsisipag-asawa na.”

Why does she have this kind of viewpoint? “E, kasi, half American ako and half Filipino. Ang dami kong nakikita nag-aasawa ng bata pa, lalo sa mga Kano, tapos nauuwi lang sa divorce. E dito sa Pilipinas, walang divorce, di ba? So better nang pakasal kayo kapag mature na kayo at hindi na pabago-bago pa ang isip nyo.”