<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Apr 17, 2019

DON'T MISS GMA-7'S MEANINGFUL LENTEN SPECIALS STARTING ON MAUNDY THURSDAY TO BLACK SATURDAY!!!!













IN THE observance of the solemnity of Holy Week, GMA Network rolls out an inspiring and heart-warming Lenten programming schedule from Maundy Thursday, April 18 to Black Saturday, April 20.

Sa Huwebes Santo, unang mapapanood ang pelikulang “Hotel Transylvania” sa ganap na ika-5 ng umaga at “Beauty and the Beast” pagsapit ng 6:30am.  Magnilay-nilay at tuklasin ang Holy Land sa travel show na #MichaelAngelo Holy Week Reflections pagsapit ng alas-8 ng umaga.

Tatlong pelikula ang magkakasunod na ipapalabas na siguradong kapupulutan ng aral – “Shrek” (9:00am); “Titanic” (10:00am); at “Noah” (1:30pm).  Sa ganap na ika-3:15 ng hapon, tampok naman sa Front Row ng GMA News and Public Affairs ang dokumentaryong “Pasan.”

Isang mahalagang aral sa pagpapatawad ang masusubaybayan sa episode ng Stories For The Soul na pinamagatang “Kasama Mo ang Diyos” pagdating ng 3:45pm. Hango sa kwento ni Joseph The Dreamer, pagbibidahan ng Kapuso actor na si Benjamin Alves ang kwento ng isang lalaking bata pa lamang ay marami nang naranasang paghihirap mula sa kanyang pamilya.

Samantala, mga natatanging kwento ng buhay ang dapat subaybayan sa #MichaelAngelo Holy Week Drama Specials pagsapit ng 4:30pm. 

Mula sa CBN Asia, mapapanood sa ganap na ika-5:30 ng hapon si Kristoffer Martin sa “Tanikala: Buyonero.” 

Abangan ang replay ng unang dalawang linggo ng epic-drama series ng GMA na "Sahaya" starring Bianca Umali and Miguel Tanfelix pagsapit ng 7pm. Isinasalamin nito ang kwento ng mga Badjaw sa katauhan ng isang dalagang gagawin ang lahat upang maabot ang kanyang mga pangarap.

Kaabang-abang din ang pelikulang “All of You” ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado at ng pinakabagong Kapusong si Derek Ramsay na ipapalabas sa ganap na ika-10 ng gabi, na susundan ng replay ng #MichaelAngelo Holy Week Drama Specials pagsapit ng 11:30pm.

Sa Biyernes Santo (Abril 19), mag-eenjoy ang mga bata dahil ipapalabas ang “Barbie Video Game Here” sa ika-5 ng umaga.

Susundan ito ng “Jesus” sa ganap na ika-6 ng umaga at ng “Women of the Bible,” pagpatak  ng 7am. Tuluy-tuloy naman ang paglalakbay sa Holy Land sa #MichaelAngelo Holy Week Reflections pagdating ng 8:00am. Tiyak namang mapapamahal kayo sa animated fantasy adventure na “Up” pagsapit ng 9:00am.

Handog din ng Kapuso Network ang programang magbibigay ng ispirituwal na inspirasyon na “Power to Unite” ni Ms. Elvira Yap-Go sa ika-11 ng umaga. 

Gabay sa pagninilay naman ang mapapanood sa live telecast ng “Siete Palabras” na gaganapin sa Sto. Domingo Church simula 12 ng tanghali hanggang ika-3 ng hapon. Mula sa GMA News TV, susundan ito ng dokumentaryo ng Front Row na “Nebulizer.” 

Hango sa kwento ni Job sa bibliya, hatid ng Stories for the Soul ang “Tinig Ng Pananalig” tampok sina Gabby Eigenmann at Valerie Concepcion. Ipapalabas ito pagsapit ng 3:45pm.  Patuloy na panoorin ang #MichaelAngelo Holy Week Drama Specials sa ika-4:30 ng hapon.

Pagsapit ng 5:30pm, isang kwento ng pag-asa ang matutunghayan sa episode ng Tanikala na pinamagatang 'Kublihan' mula sa CBN Asia. Abangan naman ang iba’t ibang pelikulang simula ika-7 ng gabi, simula sa “Our Mighty Yaya” ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas; na susundan nina Barbie Forteza at Ken Chan sa “This Time I’ll be Sweeter” pagsapit  ng 8:30pm; at “Meant to Beh” na pagbibidahan nina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta sa ika-10 ng gabi. Susunod naman ang replay ng #MichaelAngelo Holy Week Drama Specials sa ika-11:30 ng gabi.

Back-to-back movies naman ang sasalubong sa inyo sa Sabado de Gloria (Abril 20) dahil mapapanood ang Hotel Transylvania 2 sa ika-5 ng umaga at Tarzan pagpatak ng 6:30am. Mapapanood din ang huling episode ng #MichaelAngelo Holy Week Reflections Holy Land sa ganap na ika-8 ng umaga.

Makukumpleto ang inyong umaga sa animated movies na “Despicable Me 2” sa ganap na ika-9 ng umaga at “Minions,” pagsapit  ng 10:30am.  Pagsapit ng alas-12 ng tanghali, mapapanood ang “Superman Returns” at “Ben Hur,” 2:00pm.

Sa ika-3:15 ng hapon, mapapanood ang GMA News TV’s Front Row documentary na pinamagatang “Anak ng Gubat.” Hatid nito ang kwento ng isang binatilyong nagtatrabaho bilang tagabuhat ng kopra at uling upang matustusan ang kanyang pag-aaral.

Samahan sina Kris Bernal at Thea Tolentino sa kanilang pagganap bilang magkapatid na may magkaibang hangarin sa buhay tulad nina Martha at Maria sa bibliya sa episode ng Stories for the Soul na “The Better Sister” pagsapit ng 3:45pm. Huwag palampasin ang pagtatapos ng #MichaelAngelo Holy Week Drama Specials pagpatak ng 4:30 ng hapon. 

Bibida naman sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa romantic movie na “Almost A Love Story,” 5:30pm na susundan ng “The Journey“, ang Lenten special ng APT Entertainment na pinangungunahan ng multitalented Kapuso actor na si Alden Richards sa ika-7 ng gabi. 

Siguradong maaaliw ang Kapuso viewers sa “Enteng Kabisote 10 & The Abangers,” pagsapit ng 9:00pm; at “Imagine You and Me” ng phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza sa ganap na ika-10 ng gabi.

Pagdating ng ika-11:30 ng gabi, mapapanood ang #MichaelAngelo Holy Week Drama Specials replay; at panghuli ay ang Way of the Cross pagsapit ng 12:30am.

Ngayong Semana Santa, iniimbitahan ang mga Kapuso na magnilay, magrelaks, at tunghayan ang espesyal na mga palabas mula Abril 18 hanggang Abril 20 na handog ng GMA-7.

POST