May 15, 2019

AI AI DE LAS FED UP WITH EX BATTALION, TEARY EYED AS SHE RESIGNS AS THEIR MANAGER!!!!!

AI AI DE LAS quits as manager of Ex Battalion. “Ayoko na! Hindi ko na kaya!” she says. “Ang tagal ko nang nagtitiis, e. Noon pa ito dapat, kaya lang, nahiya ako kay Boss Vic at sa Viva kasi may pelikula kami. E, ayan, naipalabas na, so I quit! Aalis na talaga ako, bibitiw, lalayo!”

So what’s the reason? “They say honesty is the best policy and the truth will set you free, so heto, hindi ko na talaga kaya ang mga ginagawa nila sa’kin. Marami ng insidente, e. Ayoko na ng stress. Para tahimik na rin ang buhay ko. Sa kanila, sina James at Renn, okay naman. Si Jon, problematic lang ang lovelife. Pero yung iba, hindi professional, e.

"May gigs, tatango sila, magko-commit ako, tapos last minute, biglang ayaw na nila. May magpapa-color daw kasi ng hair na gold. May mga hindi nagigising, naiwan ng eruplano. Akong nasusubo sa gulo at napapahiya sa mga producer na kausap ko. Pipirma ng recording contract sa Viva, tapos biglang ayaw na.

"Premiere night nga ng movie namin, late na late yung iba sa kanila. Sabi ko, hindi na kayo nahiya, yung senior co-stars nyo, pinaghintay nyo pa. Tumatanggap din sila ng booking at gigs on their own. Okay lang sana sa’kin, pero sana, ipaalam naman nila sa’kin.

"Problema ring parang they don’t trust me. Kinukuwestiyon ako about money. E, ako, kapag nabayaran na kami, hindi nagtatagal sa akin ang pera, binibigay ko agad sa kanila. Last straw yung si Mark, nag-commit sa isang show sa Cotabato, tapog biglang aalis na raw siya sa grupo.”

She says the experience is very traumatic for her. “Sila naman ang lumapit sa’kin, e. Tulungan ko raw sila kasi wala silang manager. Ako naman, walang ibang intensiyon kundi ang matulungan sila, lahat nga ginawa ko para sa kanila, pero hindi nila ako sinusunod. Nagagalit sila kapag sinasabi kong 30 years na ako in the business, alam ko na ang ins and outs, pero ayaw nilang sinasabi ko yun sa kanila.

"Kung sagut-sagutin nila ako, they don’t respect me at all. Si Daryl, nag-commit kay Billy Crawford, pagkatapos, hindi sumipot. Akong nag-sorry kay Billy. Sabi ko nga sa kanila, sa showbiz, pinaka-importante, yung marunong kayong makisama sa ibang tao at maayos kayong kausap.”

After this, she refuses to manage again. “Hindi na talaga, mag-aartista na lang ako at magko-concert. Hindi pa sasakit ang ulo ko. I don’t need stress kasi nga next year, balak namin ng husband ko to have our own baby. Kung ang asawa ko nga’t mga anak ko, hindi ako ini-stress. Tapos sila pang tinutulungan ko na nga, sila itong nagdudulot ng sobrang stress sa buhay ko kaya ayoko na talaga. Pero ako, malinis ang konsensiya ko, alam kong natulungan ko sila habang magkasama kami.”