ai ai de las alas with rufa mae quinto, juliana segovia & kakai bautista |
AI AI DE LAS ALAS has had two movies released this year: “Sons of Nanay Sabel” with the Ex Battalion and “Feellenials” with Bayani Agbayani. Her third movie is about to be shown, “And I Thank You” on August 14, and she says no longer feels any pressure unlike before.
“Noong araw, sobrang pressure ko sa sarili ko tuwing may bagong movie akong ipalalabas,” she admits. “Lalo na after ‘Tanging Ina’. Ang feeling ko, kailangang malampasan o mapantayan ang tagumpay niyon. Pero ngayon, iba na ang tingin ko, e. Feeling ko, wala na akong dapat patunayan. Matagal na ako sa industriya at yun na lang ang pinanghahawakan ko.”
She leaves it all up to the Lord who’s been so generous to her all these years. “Kasi, lahat naman, nagawa ko na, nadaanan ko na. Nakagawa na ako ng serious movies na na nanalo ako ng best actress awards here and abroad. So feeling ko, wala na akong kailangang i-prove sa mga tao.
"Sa ngayon, ine-enjoy ko na lang itong gift ni Lord sa akin na extension ng career ko kasi for many years now, talaga namang God is so good to me. Nagpapasalamat na lang ako na patuloy na marami pa rin akong projects, hindi ako nawawalan, kahit sa TV o sa pelikula.”
She no longer wants to stress herself like before. “Mas relaxed na ako ngayon, mas masaya na hindi ko na kailangang i-pressure ang sarili ko. Ginagawa ko na lang ang mga gusto kong gawin. Kamukha itong bago kong movie sa Reality Entertrainment, ‘And Ai Thank You’ ni Direk Joven Tan, for the first time, gumaganap ako sa role ng isang very popular na artista, si Aileen de la Rosa.
"So palagi aiong glamorosa rito, naka-make up, nakabihis lagi, mayaman. Ibang-iba roon sa indie films na ginawa ko na aging pokpok ako at pulubing bulag na kunwari lumpo. Dito, sosyal-sosyalan naman ang lola nyo.”
She says the movie is a comedy but offers quite a serious insight about life. “I like the movie kasi maganda ang message niya. Sikat na sikat ako rito nang malaman kong may taning na ang buhay ko and I realized na kahit gaano kasikat at kayaman, meaningless ang mga yan kung mamamatay ka na dahil hindi mo naman sila madadala, kaya mas magandang bigyan mo ng importancia ang relationship mo sa mga taong nakapaligid sa’yo para sigurado kang may maganda kang mga alaalang maiiwan sa kanila kapag umalis ka na.”
She’s happy to be shooting yet another new movie. “Ito nga, after ‘Ang Ai Thank You’, I’m making another movie with Coco Martin and Jennylyn Mercado na isasali raw sa filmfest. O, di ba walang tigil ang blessings. Sinasagad ko na this year kasi by next year, I really plan to get pregnant agad. Ita-try namin ng husband ko (Gerald Sibayan) the natural way but kundi puede, okay lang sa’king magpa-in vitro fertilization. Yung three kids kong malalaki na, excited ding magkaroon ng bagong kapatid.”
In “And Ai Thank You”, she is reunited with Rufa Mae Quinto who plays Ursula, her chief rival as a top star. “Last time kaming nagkasama was in ‘Booba’ in 2001. Kontrabida ako noon sa kanya kasi siya ang title role. But this time, baligtad. Lahat ng projects meant for me, sa kanya mapupunta nang magkasakit ako kaya inis na inis ako sa kanya. I really missed working with her at kasama rin namin dito sa ‘And Ai Thank You’ sina Kakai Bautista, Dennis Padilla, Anjo Yllana, Joross Gamboa and Juliana Pariskova.”
The movie is written and directed by Joven Tan. “First time akong nadirek ni Direke Joven Tan dito. We’ve worked before sa ibang movies ko, like ‘Shake Rattle & Roll” and “Kung Fu Divas”, but first time na siya ang nagdirek sa’kin. I’m proud of our movie kasi comedy siya, tatawa kayo, pero may puso rin, may drama, kaya mababagbag din ang loob nyo. Complete package siya.”
Direk Joven says he enjoyed working with Ai Ai. “Napakagaan niyang kasama. She comes to the set prepared and she follows instructions well. Mahal siya ng lahat dahil may concern siya sa mga kasama niya. Bigla na lang nagpapabili ng ice cream para sa lahat. Hindi siya nagmamaldita.”