at the presscon from left: dir. frasco mortiz/ sunshine cruz/ maricel soriano/ janella salvador/ mccoy de leon and the evil malalarang |
MARICEL SORIANO is back on the big screen in “The Heiress”, a horror movie where she plays the role of a sorceress called mambabarang that opens on November 27.
Her young co-stars in the movie, Janella Salvador and McCoy de Leon, both admitted they were scared of her before the shoot started. What can she say about this?
“Naku, madalas ko ngang naririnig yan,” she says. “Na my young co-stars, takot daw sa akin. E, bakit naman sila matatakot, di naman ako nangangagat? I told sina Janella not to be intimidated by me. Basta gawin lang nila ang trabaho nila nang maayos at narito lang ako para umalalay sa kanila.
"But usually, kapag nararamdaman kong naiilang sa’kin ang co-stars, ako na mismo ang gumagawa ng paraan to make them feel comfortable with me para kami masaya lagi sa set.”
McCoy, who plays Janella’s boyfriend in “The Heiress”, says this is true. “One time, pawis na pawis ako. Biglang andiyan na si Inay Maria at nilagyan ng tuwalya yung likod ko. Sobrang nagulat ako kasi I felt nagke-care pala siya.
"Yung bimpo niya, itinago ko, para souvenir ng pakikipagtrabaho ko sa kanya. I really feel so lucky and blessed na nabigyan ako ng chance na makatrabaho ang isang Maricel Soriano. It’s a great experience na hindi ko na makakalimutan sa buong buhay ko.”
Janella confirms this. “She’s really very approachable and accommodating. Starstruck ako noong una pero siya mismo ang nagsabi na I shouldn’t feel that way. She made alalay to me all the way.
"Para talaga siyang mother sa set na concerned sa anak niya and it’s really a pleasure working with her in ‘The Heiress’. Kahit sabihin pang ang role niya rito, sobrang higpit niya sa’kin as may very controlling aunt na gustong ako ang maging tagapagmana niya as mambabarang.”
Maricel says she’s happy to be back with Regal which she considers her home. “Dito naman talaga kay Mother Lily ako nagsimula.
"Kaya every time she needs me, nandito lang ako kasi gusto ko talagang mapasaya siya. Sabi ko nga, basta si Mother Lily, kahit walang bayad, e. Pero huwag naman, siempre kailangan ding kumita ng lola nyo, no?”
How does she feel that “The Heiress” didn’t make it as a finalist in the Metro filmfest? “Siempre, sad kami, but then, who are we to question kung anong plano ni God, di ba?
"Malay natin, ngayong we are given an earlier playdate, mas malaki pala ang kitain ng movie namin, e di magiging mas masaya si Mother Lily.
"So thankful lang kaming nabigyan kami ng earlier playdate at mas mauuna pa kaming ipalabas kaysa doon sa entries sa filmfest.
"And I can assure the viewers, lalo na yung mahilig sa horror films, na hindi sila mabibigo sa pelikula namin. Magaling na direktor si Frasco Mortiz, anak ni Bobot Mortiz. Fresh ang ideas niya kasi bata pa.”
Frasco says in turn: “Si Inay Maria ang primary reason na dapat nyong panoorin ang ‘The Heiress’. Maski kami sa set, natatakot sa kanya. Manginginig ang tuhod nyo kapag pinanood nyo siya sa movie.”
“Yes, I’m proud to say na marami na akong nagawang horror movies, like ‘Sa Piling ng Aswang’, ‘Vampira’, pero kung noon, ako ang tinatakot, ngayon, ako naman ang mananakot!” she says. “Kaya humanda na kayo sa pananakot na gagawin ko sa inyo!!!!”