<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jul 29, 2020

KEAN CIPRIANO, CES DRILON, RIA ATAYDE & NADINE LUSTRE EXPRESS THEIR DISILLUSIONMENT WITH THE COUNTRY'S CURRENT STATE OF AFFAIRS






KEAN CIPRIANO

CES DRILON

RIA ATAYDE

NADINE LUSTRE



OTHER CELEBRITIES who freely expressed their feelings about the government just before the SONA are Kean Cipriano, Ces Drilon, Ria Atayde and Nadine Lustre.

Kean wrote when he saw the thousands of people stranded and packed like sardines at Rizal Memorial:

“Nag-lockdown at quarantine nang ilang buwan. Hinuli ang mga taong hindi raw sumusunod sa quarantine protocols. Pero hindi hinuli yung mga nasa posisyon na lumabag kasi raw VIP. Tapos di raw alarming yung dumaraming COVID cases. Tapos eto… haay! Gaguhan 2020.”

And in another tweet, he wrote:

“Ano ba talagang plano? I never felt secure. It never felt safe.  Ang daming nagkakasakit. Ang daming namamatay. Ang daming nawawalan ng trabaho. Ang daming nagsasarang negosyo. Ang daming nagaaway. Ang daming kasinungalingan. Ang daming excuses. Ano ba talaga ang plano?”

And here’s Ces Drilon who just lost her job as ABS-CBN News Channel executive editor speaking at the SONA protest rally:

"Kami po ay biktima ng isang mapaniil na administrasyon.  Freedom of the press is an important foundation of our democary.  Ang freedom of the press po ay isang haligi ng ating demokrasya. 

"Ang lagi pong katwiran ng mga tagapagtanggol sa pagsasara ng ABS-CBN, hindi naman daw nawawala ang press freedom, dahil patuloy ang paglabas ng TV Patrol sa Internet, sa cable. At patuloy naman ang ibang channel sa pagbo-broadcast.  Oo nga, patuloy ngang napapanood ang TV Patrol, ngunit para lamang sa may cable, may Internet.

"Paano na po ang halos 70 million na mga Pilipino na umaasa lamang sa radyo at telebisyon?  Kami ay hindi na nila napapanood at naririnig. Kami po ay off-the-air.  At tungkol naman sa patuloy na broadcast ng ibang istasyon, malaki po ang epekto sa pagsasara ng ABS-CBN, dahil babala po ang nangyari sa amin sa mga inuulat nila.

"Meron pa bang nag-uulat kaya ng totoong nangyayari? Malamang ay matatakot na rin po silang mapasara. Mensahe po ang nangyari sa amin na, 'Magulat kayo at baka kayo na ang susunod.'"

And here’s what Ria Atayde wrote:

“Sa lahat ng nangyayari, nagiging mas mahirap ang kumapit sa pag-asa. Sa lumipas na apat na taon, ang dami nating pinagdaanang opresyon sa ating bansa — mula sa pagpatay sa mga mamamayan hanggang sa kawalan ng kakayahang humarap sa krisis at pandemya.

"Hindi tayo pwedeng maging pipi at bingi na lamang sa mga abuso sa ating bayan at mga kababayan.

“Tayo ay, bago ang lahat, mga Pilipino. Karapatan at tungkulin natin ang panagutin ang mga pinunong ating hinalal. Hindi natin pwedeng hayaang unahin nila ang kanilang pag-unlad habang ang ating mga kapwa Pilipino ay nagdurusa.

"Lumaban ka sa kahit anong paraang komportable para sa’yo. Pero pakiusap, manatiling mapagmatyag at wag magbulag-bulagan. Alam kong marami sa atin ay mas maginhawa ang kalagayan kumpara sa iba, pero tayo ay iisang bansa. Ang kinabukasan natin ay kinabukasan nila.  Gising na, ginagago na tayo!”

And here’s how Nadine Lustre feels:

“Pagbabago, hindi abuso. Pagkakaisa, hindi mang-isa. Hawak kamay, wag hugas kamay. I’m a Filipino and I stand for my country. We deserve better.  Covid exposed the government for what it really is.

"The people need help, compassion (minus Koko) and transparency, not threats and lies. Yung P275 Billion na inutang nila, hanapin niyo. Wag ako. Kaloka. Makapaghalaman na nga. Naga-anxiety ako. Leche!”

POST