<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jul 26, 2020

SHARON CUNETA APPRECIATES JENNYLYN MERCADO'S SYMPATHY FOR ABS-CBN & ITS EMPLOYEES WHO LOST THEIR JOBS DUE TO THE SHUTDOWN









SHARON CUNETA thanked Jennylyn Mercado for supporting ABS-CBN and its employees who lost their jobs after the station's shut down.

She wrote a special message addressed to Jennylyn: `“Salamat, Ms. Jennylyn Mercado. @mercadojenny Mabuti ka pa at ibang mga Kapuso, nakikiramay sa lungkot at pagluluksa naming mga Kapamilya.

"Sa Industriyang ito, iisang pamilya at puso lang naman meron tayong lahat. Salamat sa pakikiisa mo, ninyo sa amin. Sana lahat katulad mo at ng iba pang Kapusong nalulungkot at dumadamay sa amin.

“Masakit yung nadapa na, tinatadyakan pa ng iba. Nakakakilabot yung nakita pa naming nagdidiwang at nagsasaya noong hindi binigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN. Kinatutuwaan ba ang sakit ng wala namang masamang ginawa sa ‘yo?

“Hindi biro ang tanggalan ng hanapbuhay ang 11,000 na tao - dahil sa bawat isa sa 11,000 na yan, may ilang miyembro pa ng pamilyang nada­may ang buhay sa pagkawala ng trabaho ng isa.

“God bless you and all of you Filipinos who grieve with us. Para kaming yung mga inatakeng bigla sa Pearl Harbor nung WW2. Sa loob ng 2 buwan, bigla na lang “binomba” ang bahay namin at sa pagtanggal sa trabaho ng marami - ngayon pa - sa gitna ng krisis at pandemya - paghahanapin ninyo ng ibang trabaho - parang halos pinatay niyo na rin ang kabuhayan ng napakaraming pamilya.

“Hindi naman prioridad ngayon kung dapat ba palitan ang pangalan ng NAIA o hindi o palitan ang sampaguita as our national flower. Doon na muna tayo sa totoo at mahalaga. Nasunog nyo na ang tahanan namin. Tama na muna ang pag-iisip ng kung ano o sino pa ang puwedeng gamiting pantakip ng tunay na dapat sinosolusyunan ngayon. HINDI TAYO NANANALO AGAINST COVID-19."

POST