<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Sep 6, 2020

LOTLOT DE LEON ANSWERS NORANIANS WHO INSULT AND BASH HER, CALLING HER 'INGRATA! WALANG UTANG NA LOOB!'










LOTLOT with siblings Matet, Ian, Kiko and Kenneth



LOTLOT DE LEON was being bashed by Noranians for admitting she’s not yet in good terms with Ate Guy and we told Albert Sunga, Nora’s number one supporter, about this.

He told us: “Hindi naman lahat. May mga bukas pa naman ang isip na Noranians na alam kung anong gyera ang dapat ipaglaban.”

And Rommel Gonzales, Lotlot’s publicist, said a devoted Noranian wrote this:

“Ang tunay na Noranian, minamahal ang lahat ng mahal ni ate Guy. At ang tunay na Noranian, hindi wawalanghiyain ang anak ni ate Guy.

"And pls don’t you dare call Lotlot" ingrata" at “ampon" dahil never na tinawag ni ate Guy na ampon si Lotlot. Lahat sila-(of course exempted si Ian), tunay na anak ang tingin at trato at pagmamahal na ibibibigay ni ate Guy. W

"alang masama sa sinabi ni Lotlot na hindi pa sila nagkakaayos ni ate Guy which is true but we know,(all true-blooded Noranians) that in God's perfect time, mgkikita rin sila.

"We just loved what Lotlot says that she loved and missed her Mommy na totoo naman. At walang drama dun. And next time...pls...watch your language!!!”

But Lotlot herself has obviously lost her patience and posted her own feelings in her Facebook wall:

“This has been going on for years. Sa totoo lang para akong natulala, parang pinagkakaisahan ako. But now, there’s something new. Minura ako. (P. ina) I don’t know how or when this started.

"All my life kahit nung bata pa ako natatawag na akong ‘ampon’ or ‘ampon ni Nora’. But my parents never made me feel otherwise. The others, yes.

“May pagkakataon pa nga na si Ian (Nora’s only real child) pwede kumain ng delata nung bata kami na nasa cabinet. ‘Yung nag-aalaga kay Ian sabi, Sa kanya lang ‘yun.

"Kahit hindi ko naiintindihan, I would just nod and say, ‘yes po’. Kahit sa school may mga nambubully. Kadalasan i would just walk away. May isang pagkakataon din sumagot ako.

“Lahat ng mga kapatid ko, mahal na mahal ko. Wala akong hindi gagawin para sa kanila. Did we have an easy life? No. Kasi kahit naman sikat at kilala at kinikilala sa buong mundo mga magulang namin hindi naman nagbago buhay namin. Natural lang. Simple pa rin.

“Ang relationship ko kay mommy, Iba. We have never been the ‘typical’ kind of family. I have tried my best all these years to be a good daughter. Wala akong hindi sinubukang gawin. Alam ng dios yan.

"Minsan gusto ko ipaliwanag sa lahat kung ano nga ba kami, pero hindi ko rin mapaliwanag. Ang alam ko lang mahal ko siya. At cguro kahit nga ipaliwanag ko hindi pa rin maiintindihan.

“I don’t know when or how ‘people’ started calling me ungrateful, ingrata walang utang na loob. Hindi ko alam paano or kelan lahat nang ito nag simula. Pagod na pagod na din akong depensahan sarili ko.

"Ang daming accusations sa akin na para bang alam nila kung ano ang TOTOO. Walang kang respeto! Ingrata! Mahalin mong mommy mo! Walang utang na loob! Magpakumbaba ka! Baitbaitan ka lang! Yan ang mga sinusumbat nila sa akin.

“Nung bata ako, pag sinusuway ako ni mommy kakausapin nya ako. Pag May mga ;sumbong’ sa kanya. Ang lagi ko lang sagot ‘yes po ma.’ I never answered her back or ni mangatwiran ginawa ko.

"Nang nagkaanak na ako I would always reach out. Walang panahon na hindi ko sya iniisip kahit hindi kame magkasama. Text or tawag. Or puntahan sya ginawa ko.

“I wanted her to be at my wedding (with her second husband, Lebanese guy Fadim El Soury), I invited her. How can I not? I wanted her to be present. Sa lahat ng occasions sa buhay ko, pati na rin sa mga anak ko.

"Wala din siya sa kasal ni Ian, pero bakit hindi kwinestyon yun nang sinuman? Nung nawala ang kapatid nya, si Uncle Buboy... we were there. Nung nasa ICU sya sabay-sabay ka­ming magkakapatid nag punta. Lahat kame. Dinalaw namin sya ulit ni Ian before he passed.

“We will always try to be there for one another. Ka­ming magkakapatid. We will always be there for mom too. Anytime na kailangan nya kami. Basta kaya namin we will be there. I will be there. Walang panahon na hindi ko sya susuyuin. Lalo na kung alam ko na May tampo sya.

“Never naging perpekto buhay namin. May masaya, malungkot, magulo lahat na. Pero ang Lahat ng ito ay personal. Hindi na din para isa-Isahin ko pa. Pero isa lang cgurado, alam ko kahit kailan di ako makakalimot. Alam ko, May hanganan din ang lahat...”

Lotlot said that she has more to reveal on Tuesday, September 8, in her own youtube channel. She promises to tell everything. So brace yourselves for more pasabog revelations.

POST