AI AI DE LAS ALAS renewed her contract with Hobe Bihon and Pancit Quick Cooking Noodles via Google meet. It’s her 6th year as Hobe endorser.
“Thank you so much kay Lord at sabi ni Boss Bobby Go ng Hobe, forever na raw nila akong endorser,” she says.
“Maganda talaga ang resulta kapag si Ai Ai endorser kaya tuloy-tuloy lang natin,” says Sir Bobby.
How come she’s so slim these days? “Siguro dahil sa kadyi-gym ko. Kasi hindi naman ako nagda-diet. Ang lakas ko ngang kumain. Siguro yung metabolism ng katawan ko, mas malakas dahil sa gym.”
How was she during the pandemic?
“Lahat naman nahirapan last year. Thank you kay God hindi Niya tayo pinababayaan. God is good. Pero ngayon, maganda ang pasok ng taon, dahil kakasimula pa lang ng 2021, may renewal na ako ng endorsement ko.
"Tapos after ‘The Clash’, heto, magre-resume na kami ng lock in taping ng ‘Owe My Love’ sa Bulacan ng GMA-7. Bale 55 days kaming walang uwian doon. Pagpasok mo, bawal na lumabas para sure na hindi kumalat yung virus within us.
"Sanay na kaming magkakasama sa work, sa pagkain, kaya para naging pamilya na talaga kami. Para kaming OFWs na nalayo sa aming pamilya. Pero ako, kasama ko si Gerald (her hubby) kasi five years na akong organic, so siya ang nagpe-prepare ng food ko sa taping.
"Naging close nga kaming lahat ng mga kasama ko sa set at nagka-sepanx ako nang mag-uuwian na kami. Big challenge lang kasi lagi kaming sina-swab to make sure wala kaming virus. E, masakit din yun, ha.”
What’s her role in “Owe My Love”?
“I play the boss of Lovi Poe who owns La Vida Shop where she works. Kasama namin dyan sina Benjamin Alves, Winwyn Marquez, Nova Villa, Leo Martinez, Jackielou Blanco, Ruby Rodriguez at marami pang iba. Abangan nyo ang airing ha.”
How has Hobe helped her during the pandemic? “Ang Hobe, lagi nila akong pinapadalhan ng noodles, so isinasama ko naman yung ibang padala nila sa food ayudang pinapamigay ko sa mga kababayan natin nitong pandemic.”
Did Hobe increase her talent fee this year? “Walang increase ng TF this year dahil sa pandemic, pero by next year daw, mas mataas na ang budget ko."
What’s her New Year wish? “Wish ko, lahat tayo, mabigyan na ng vaccine para unti-unti, bumalik na ang buhay natin sa gaya ng dati. Kasi ngayon, nakakatakot pa ring lumabas. Gusto ko ngang dalawin ang anak kong si Niccolo sa America, pero andami pa ring cases ng virus doon.”
How about politics in 2022? Does she plan to run in Batangas in the next election? “Depende sa kung ano ang magiging decision ni Lord. Mas nakakatakot ang intriga sa politika kaysa sa showbiz, so pinag-iisipan ko muna talaga.”
How about her bakeshop that makes great ube pandesal? “Huminto muna kami kasi naging busy ako sa taping. Mago-open na lang kami uli this year.”
What can she say about the Chrstine Dacera case? “Ayokong masabing sumasawsaw ako, tinatanong nyo lang ako, ha. Ang sagot ko, una bilang inang nawalan ng anak, masakit talaga yun so I can understand yung nanay ni Christine.
"Sana, may she rest in peace na kasi nalibing na siya. Yun namang mga inaakusahan, iba na ang social media ngayon, sana bago manghusga, himayin munang mabuti ang mga pangyayari bago tayo maging judgmental.
"Alamin muna natin ang mga tunay na nangyari, lalo na yung mga miembro ng LGBT na nilait na buong pagkatao nila, paano pa maibabalik yung nasabi against them at yung dating buhay nila kung mapatunayang inosente pala sila? Kawawa rin naman sila.”
What can she say about the bashing she gets from doing Black Pink songs?
“Hayaan mo lang sila. Hindi naman ako mamamatay sa bashing. Meron namang nakakagusto, ako nga raw ang fifth member ng Black Pink.
"So gusto ko yun, feeling ko, fifth member talaga ako ng Blink. Maglalabas nga ako ng tinapay na Blink Bread, colored Black and Pink, para sa fans ng Black Pink na gaya ko.”