Aug 4, 2022

AFTER 5 YEARS AGO IN 'WILDFLOWER', RK BAGATSING HAPPY TO REUNITE WITH MAJA SALVADOR IN THE TV5 SITCOM 'OH MY KORONA'

 





































RK BAGATSING is so happy to be reunited with Maja Salvador in the sitcom “Oh My Korona” that starts on TV5 this Saturday, 7:30 PM.  


“I had so much fun working with Maja in our show five years ago sa ABS-CBN, ‘Wild Flower’,” he says. 


“Our relationship as Ivy Aguas and Mayor Arnold is an intense love-hate kind of affair, puno ng galit at paghihiganti, but viewers liked it. Nagmarka talaga sa kanila.”


Their fans felt sad when the show ended and they didn’t end up in each other’s arms. 


“A lot of people are asking us as to when we’d team up again. Followers of the show would make videos of us, clipping together our intense scenes from the show and sending them to us. 


"That was in 2017 pa and ngayon lang kami nagkasama uli sa ‘Oh My Korona’ and it’s now very light, puro fun and laughter lang, puro good vibes. We’re actually enjoying doing the show, puro tawanan, bungisngisan lang kami sa taping.”


RK and Maja say this is their gift to the fans of their tandem who’ve been asking them to work together again. 


“Heto na nga, magkasama na kami in ‘Oh My Korona’ and they say maganda ang chemistry namin dito. She plays Lablab, na unang kita ko pa lang, crush ko na. 


"Ako naman si Tim, pamangkin ni Joey Marquez na may ari ng talent agency. Gusto niyang kuning talent niya bilang artista si Maja as Lablab pero ayaw naman nito kasi hate niya ang showbiz dahil she believes nasira ang family niya kasi artista ang parents niya.”


“Oh My Korona” is Maja’s first sitcom. 


“At ako rin, first sitcom ko rin ito. So pareho kaming tumatawid from drama to comedy and we have to adjust, kasi pareho kaming mas nasanay sa drama.  


"So now, we just let go and have fun. Dapat galingan namin kasi puro magagaling na comedians ang kasama namin dito like Tsong Joey Marquez, Kakai Bautista, Pooh, at iba pa.”


How is it doing comedy with Maja for the first time? 


“Maja is very collaborative. Kung ano ang ibinibigay niya sa akin sa eksena, yun mismo ang binibigyan ko ng reaction. So far, good vibes kaming lahat sa show.”


Maja butts in at this point. 


“Ang maganda kay RK, lagi siyang nagtatanong. Kumusta, anong tingin mo sa ginawa natin sa eksena? Naghihingi siya ng feedback at kung mali ang ginawa niya, tinatanggap niya. Hindi siya natatakot na mapahiya.”


“I’ve always appreciated Maj for all her honest views,” says RK in return. 


“Hindi lang naman siya kundi lahat ng kasama namin dito sa show, I appreciate everyone’s generosity kapag nagtatanong ako about comedy and sina Tsong Joey, Kakai and Pooh, they’re very helpful sa akin in my first sitcom. I’m happy to be working with all of them.”


Maja says they have good team work in the show. 


“Lahat, may effort na pagandahin ang show. Noong una, akala nila,  mahihirapan ako, but sa totoong buhay, ako ang clown, e. Masayahin talaga ako. 


"And after ‘Wildflower’ and ‘Killer Bride’ na lagi akong nagagalit, welcome sa akin ang comedy like ‘Oh My Korona’. 


"Pero at the start, feeling ko ang stiff ng katawan ko. Kailangang baliin ko talaga para ilabas ang totoong funny Maja. 


"‘Oh My Korona’ is about dreams and hopes of showbiz hopefuls, so kahit comedy, may kurot pa rin sa puso ang kuwento.”


What can she say now that some folks say she’s the queen of TV5? 


“I’m thankful sa Cignal and TV5 for their support, but dito lang naman sa Pilipinas importante ang ganyang mga titulo. 


"I’m grateful ako kung ganun ang tingin nila sa akin, pero title lang yan, mas gusto ko na mas maalala sana nila ako as a talent na kahit anong project ang ibigay sa akin, I give my 1,000 percent lagi para mapasaya natin ang audience.”