ANG LOLONG ang most watched TV show ng 2022. Dinodoble nito ang ratings ng katapat na programa!
At patuloy ang paglakas ng Kapuso primetime series na LOLONG na siyang kinakapanabikang panoorin ng viewers sa iba't ibang panig ng ating bansa!!
Ayon sa TAM data ng Nielsen Philippines mula naqng mag-premiere ito noong July 4 hanggang noong Agosto 14, 2022, nagtala ang nasabing Kapuso adventure-serye ng combined average people rating na 15.6 percent (GMA at GTV) sa Total Philippines.
Kaya naman walang alinlangang ito ang nasa top spot ng mga pinaka-pinapanood na show sa nasabing period.
At nagpapatuloy ang pag-iwan nito sa katapat na program. Pumalo ito ng combined (GMA at GTV) people rating na 18 percent sa National Urban TV Audience Measurement overnight ratings noong Aug. 23.
Sinundan ito ng combined people rating na 18.3 percent noong Aug. 24. Nitong Huwebes (August 25), naitala ng Lolong ang highest rating nito sa ngayon na combined people rating na 18.7 percent.
Ang Darna ay nakakuha lang ng combined people rating na 9.7, 9.4, at 9 percent sa tatlong nasabing araw (TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Cinemo).
Mas marami talagang viewers ang na-hooked sa kuwento ni LOLONG na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Pati nga mga bata ay bukambibig na si Lolong at ang BFF nitong si Dakila.
At kahit ang cast na pinangungunahan nina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon at Jean Garcia, aminadong tinatawag na sila ng tao sa pangalan ng kanilang karakter sa serye.
Patunay lang ito lalo na numero uno ang LOLONG sa puso ng viewers. Kaya huwag kaligtaang panoorin ang mga susunod pang kahindik-hindik na kabanata ng LOLONG gabi-gabi, pagkatapos ng "24 Oras".