Feb 7, 2023

NORA AUNOR AS ALFRED VARGAS' BLIND MOTHER IN 'PIETA', HER FIRST MOVIE AFTER BEING PROCLAIMED AS NATIONAL ARTIST

 












































NORA AUNOR chooses “Pieta” as the first movie she’ll do after being named National Artist. 


This is directed by Adolf Alix (who has helmed her in “Padre de Pamilya” and “Kontrabida”) and co-starring with Gina Alajar (her director in the hit GMA series, “Onanay”) and Alfred Vargas, who’s also bankrolling the project.  


What made her accept the project? 


“Unang-una, magandang challenge for me yung role ko as Alfred’s blind mother kasi first time kong gaganap na bulag ako. 


"Si Gina naman, kumare at kaibigan ko yan, at gayundin si Direk Adolf na kilala na ako at pinagtitiwalaan ko bilang direktor.”  


She says it’s Direk Adolf who told her that she is Alfred’s personal choice to play his mom in “Pieta”. 


“Sabi ko, gusto niya ba talaga akong makasama? Kasi naging congressman siya, ngayon councilor, so parang nahihiya ako.


"Baka mamaya, hindi ko naman magawa yung ine-expect niyang maipakita ko sa pelikula. Baka hindi ko magampanan nang maayos.”


But her doubts vanished when she met Alfred in person. 


“Yes, nawala ang alinlangan ko nang magpunta siya in person sa bahay ko, kasi napakabait pala niya. 


"Very humble at napakadaling kausap. Nakita ko, intelihente siya at maunawain din. Natutuwa akong bilang konsehal, madali siyang makaunawa sa mga problema ng kanyang kapwa.”    


She is also glad to get the chance to work again with Gina after Gina directed her in “Onanay”. 


“May kasalanan akong nagawa kay Direk Gina noon sa ‘Onanay’. Sa eksenang namatay ang kapatid ko roon, si Gardo Versoza, sabi ko sa kanya, ayokong umiyak, hindi ako makaiyak. 


"Kasi kailangan, totoo yung nararamdaman ko. Hindi ko kaya kasi masama rin ang pakiramdam ko.”


But Gina didn’t let her go and just encouraged her. 


“Yes, minotivate niya ako. Inakbayan niya ako at pinisil niya ang kamay ko, pinalakas ang loob ko. 


"Sabi niya, kaya mo yan. Inutusan niya ang mga cameramen na sundan lang ako kasi tuloy-tuloy lang ang buhos ng eksena. 


"Ayun, sa tulong niya, nagawa ko naman at nag-trending pa yung eksenang yun.”  


Ate Guy became emotional and cried before the storycon started. 


“Natutuwa kasi akong makita uli ang mga kaibigan ko sa press. Basta ang pagmamahal ko sa inyo, nakaukit na sa puso ko. 


"Hindi na mawawala yun kahit hindi tayo madalas na nagkikita.”  


Ate Guy was full of anecdotes about her childhood days in Bicol during the storycon and Direk Adolf announces that we will get to read all about it in a biographical book he is writing about the National Artist.  


“Isinulat yun in her own words,” says Direk Adolf. “Yun kasi ang gusto niya, para authentic daw. 


"Nandun na kami ngayon sa Guy and Pip phase ng buhay niya at career. Walang bawal-bawal, lahat pinagkukuwentuhan namin. Basta lahat, galing sa kanya.”


It will be a no-holds barred kind of book. 


“Gusto niyang mai-share ang mga karanasan niya nang buo, para may lessons din daw na matutuhan ang mga babasa pati sa mga naging pagkakamali niya. 


"Kasi andami niyang na-produce na movies sa kanyang NV Productions, so gusto niya ma-gather niya, pati yung movies na hindi siya ang artista pero siya ang nag-produce. 


"Abangan nyo yung book, kasi tutulungan kami ni Councilor Alfred para mailabas yon kapag natapos nang sulatin. Sana this year, ma-release namin kahit yung first part ng book.”