<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 17, 2023

EXPERIENCE WINTER WONDERLAND THIS HOLIDAY SEASON WITH THE CHRISTMAS SPECIAL OF JESSICA SOHO FILMED IN SWITZERLAND

 



































THIS CHRISTMAS SEASON, viewers will experience a Winter Wonderland dahil dadalhin sila ni award-winning journalist Jessica Soho sa mga viral na lugar sa Switzerland sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) Christmas Special, “Lumipad ang aming team sa Switzerland,” ngayong Linggo, December 17, 8:15 PM sa GMA-7.


 


Siguradong lalong madarama ang holiday vibes at spirit dahil tutuntunin ng KMJS Team ang isa sa pinakamayayamang bansa sa mundo sakay ng tren para maunawaan at madiskubre kung bakit ito ang isa sa mga dream destinations ng millennials at Gen Zs.


 


Pupuntahan ni Jessica ang viewing deck ng isa sa iconic mountains sa Switzerland, ang Matterhorn, na nakaimprenta sa isang sikat na brand ng tsokolate.


 


Haharapin din niya ang kanyang fear of heights sa pagsakay sa rotating gondola, ang Ice Flyer, at sa paglakad sa tinaguriang highest suspension bridge sa Europe na matatagpuan sa summit ng Mt. Titlis.


 


Tutuntunin din niya sa Montreux si Santa Claus kung saan madalas siyang tingalain sakay ng flying sleigh!


 


Makikilala rin ni Jessica ang mga Pilipino na sa Switzerland na sinuwerte. Kilalanin si Mila, isang kababayang laki sa hirap at anak ng magsasaka sa Pilipinas, pero meron na ngayong 22 ektaryang hacienda sa Switzerland.


 


Mapapa-“Sana all” na lang din ang viewers sa kababayang sa Switzerland nahanap ang kanilang forever! Kasama na rito si Chantal na may nobyong Swiss na nag-propose pa sa tulay na naging setting ng Korean series na Crash Landing on You!

POST