MEET the new social media influencer of the Cuneta-Pangilinan household, none other than the much respected former Senator Kiko Pangilinan.
Mula nang naging private citizen si Senator Kiko pagkatapos ng kanyang mabungang dalawang termino sa Senado, kinarir na niya ang social media upang ituloy ang timely and relevant advocacies niya tungkol sa pagsasaka, paghahalaman at food security.
Ang pag-level up ni Senator Kiko, husband ni the one and only Megastar Sharon Cuneta, ay bunga na rin ng popularity ng “Hello Pagkain, Goodbye Gutom” segment niiya sa kanyang Facebook, Instagram at Tiktok accounts.
This is where he shares valuable and helpful tips about farming, latest trends sa pag-aalaga ng mga halaman for the platitos and plantitas, at mga pamamaraan kung paano madagdagan ng kita ang mga magsasaka at mga gusto pang sumabak sa farming.
The response is so great and encouragingt. As of now, mayroon nang mahigit na 6.1 million na likers ang senador at halos 250,000 na followers sa kanyang Tiktok account,
Ang Kiko Pangilinan Facebook account naman ay may 1 million followers, samantalang ang social media platform sa Instagram ay may halos 250,000 na ang followers.
Humahabol siya sa kanyang butihing maybahay, the Megastar Sharon Cuneta, na may 1.6 million followers ang @reallysharoncuneta IG account, sa kanyang anak na si Frankie na mayroong mahigit 322,000 followers, Miel naman na may 27.5 thousand followers, at step daughter na si KC Concepcion na may 4 million followers.
Tunay nga ang sabi nila na ang family na sumo-social media together, stays together. Let's all cheer for the CUNETA-PANGILINAN FAMILY!!!!